The Sum of all Imperfections is Perfection but the sum of what is perfect is Imperfection



Download 216.76 Kb.
Page1/4
Date08.07.2017
Size216.76 Kb.
#24994
  1   2   3   4



Ito ang pinakakomprehensibo at pinakamadaling pagkaintindi sa buhay.

The Sum of all Imperfections is Perfection but the sum of what is perfect is Imperfection”


Maraming salamat sa aking mga magulang, kapatid, kaklase, kasama, kakosa, kapuso, kabarkada, at ka-iba sa inyong suporta. Sa lahat ng sponsors para sa aking hair and face, shoes and clothing na kailanagn ko sa paggawa ng librong ito. Sa mga supporters, maging mga tao, hayop, halaman, at anumang uri ng matter na naging inspirasyon ko sa paggawa ng librong ito. Salamat sa inyong lahat…

Ang librong ito ay inaalay ko sa mga tao na naniwala sa aking mga ginagawa, sa mga hindi, salamat parin. Kapag hindi ka talaga maniniwala kailanman, magkita na lang tayo sa gate ng bahay mo, pero text mo muna ako kung saan yun. Para sa mga tao na nais matuto at mapalawak pa ang Kaalaman, Karungan at Kalokohan. Para sa mga nagtiatiyaga sa mga walang kwentang mga sulatin tulad nito alay ko ito sa inyo …

Unang Pauna
Nahihirapan ka ka ba sa iyong buhay? Nais mo mang ipanganak na lamang sa ibang panahon at lugar? Desperado ka na ba? Sa tingin mo ba na hindi mo kaya na mabuhay dahil ang tingin mo dito ay sobrang gulo? Hindi ka na ba makahanap ng thrill sa buhay mo? O sinadya ba ng tadhana na ikaw ay mabuhay sa isang boring at walang kakuwenta-kwentang buhay? Puwes, narito na ang sagot sa iyong problema! Mga kaibigan, kasama, kapamilya, kapuso, kabarkada, kakosa at ano pang ka-, ito na ang sulusyon sa iyong problema. Bigyan ng bagong buhay ang inyong kapalaran! Lagyan ng anghang ang walang kalatoylatoy na paglalagi sa daigdig, tamisan ang maalat at mapapait na karanasan na iyong napagdaanan, asiman mo pa ng mga paraan upang maging masaya ang buhay at lagyan ito ng linamnam para masabi mo na masya ang iyong buhay. Tandadahdah…Ito ang Manual to Lyf! Ang pinakakomprehensibo at pinakamadaling pagintindi sa buhay natin kahit saan, kahit kalian maasahan.

Ito ang inyong swiss knife ng inyong buhay! Ang salbabida mo sa malawak na dagat ng mundo! Ang abrilata sa mga nakatagong lata ng kaalaman! Ang librong ito ay puno ng mga kaalaman tungkol syempre sa buhay. Kung ang buhay ay napakakomplikado na maintindihan at mahirap sabayan ang tugtugin ng mga problemang dumarating. Ito ang praktikal na basahin upang maging wais sa buhay. Pero huwag naman itong sobrang tangkilikin at ilagay sa altar para sambahin.

Hangad ng librong ito na mabuksan ang inyong isip at matuto sa iba't ibang mga kailangan sa buhay. Back to basics ika nga pero mas pinalalim at may examples mula at hango sa tunay na buhay ng mga buhay at namayapang tao. Kaya nga manual to lyf eh, tungkol ito sa akin, iyo,at sa ating lahat.

Hindi ito nobela, anthology, slumbook, dictionary, encyclopedia, at thesis, ni hindi ito inspirational book tulad ng Chicken soup for the Soul, o kaya Purpose Driven Life. Simpleng Manual na may bonus na kung ano pang ka-ek-ekan na maari mo makuhanan ng widom(?) knowledge(?) at inspiration(?). Sa tingin ko siguro naman ay maari kang makahanap ng mga ilang bahagi na nakakainspire sa iyo kahit paano mula sa mga kuwento ng ating buhay na talagang related sa ano pa eh di lyf! Hindi man ito kasing kisig tulad ng Da Vinci code o Noli me Tangere makikta mo at mauunawan na ang life pala ay astig. Hindi na kailangan na mabuhay sa pantasya o lumunok ng bato at sumigaw ng darna! Kahit anong ang inyong pinangalingan, pinaniniwalaan, lahi at kultura, kailangan mo ang Manual to Lyf!

Warning!

Ang sumusunod ay hango sa malikot na pagiisip ng awtor. Maaring sundin ang mga tips na handog ng librong ito dahil hango naman ito sa mga totoong pangyayari at sitwasyon, pero syempre may ilang mga bagay na idinagdag para malibang naman ang isipan at hindi tuluyang makatulog sa pagbabasa. Sana ay ang Common Sense lamang ay pairalin, Sentido Comon sa español, at Komon Sens sa Tagalog. Hindi ito nag-eendorso ng anumang produkto, stasyon ng TV, radio, o dyaryo maliban na lamang kung magpaadvertise sa aming pages.

Kung ikaw ay bata at wala pang alam tuingkol sa sex, violence, foul words, at geomancy, dapat ay may patnubay ng magulang o mga nakakatanda upang igabay ang iyong diwa sa tamang landas at maiwasan ang mga pagkakataon na sumuod ang iyong mga magulang at minumura ako dahil ako ay nagsususlat daw ng isang babasahing walang tinuturong aral.

Hindi naman ganoong kagrabe ang nakasulat dito, nakapaloob lamang kasi ang mga bagay na hindi madaling unawain sa batang pag-iisip. Pero talagang wholesome ito, R-18 above and below, graded AB pa nga ito ng MTRCB.

Kung ikaw naman ay isang tinedyer, maging tambay, housemate, out of school youth, nagtratrabaho na o estudyante, maari mong magamit ang librong ito para maintindihan mo ang iyong buhay lalo na sa iyong edad. At mas magkakaindihan kayo ng librong ito dahil tinedyer pa rin ang gumawa nito (promise! Kaka twentween ko lang kaya “teen” pa rin ako), kaya pwede rin na teenageguide din ito. At para sa inyong nasa matanders stage ng buhay, pwede rin! Dahil pareho-pareho lamang an gating buhay at naiiba lamang ito kung paano natin ito isabuhay. Bilang mga nilalang na nabubuhay sa masalimuot at masarap na buhay na ito, maganda na ating tignan ang ating buhay at intindihin nnatin ito, lalo na na nag-iisa lamang ito. Maging ikaw ay umabot sa 100 taon na, pwede pa, lalo na sa mga nakakaranas ng 2nd childhood, kahit 3rd o 4th pa yan . Sabi nga na manual to lyf ito! As in Lyf! M-A-N-U-A-L T-O L-Y-F! Ang kulit mo at binabasa mo pa ang warning na ito! Grr!

Ang librong ito ay hindi para sa may makikitid na isipan, dahil ang mga nagbabasa nito ay mga genius! Hehe… nauto ka noh?! Hindi ko ipagpipilitan sa inyo kung ano man ang paniniwala ninyo. Kahit na sumasamba kayo sa bato, ibon, ilog, at VCD, hindi ko kayo pinipigilan. Kung mayroon man akong napapansin na mali sa lipunan at nakaksama ito sa imahe nito, hindi ko ito intensyon, nasusulat ko lamang kung ano ang aking nakikita at nararanasan . Kung purihin mo ang aking gawa, super thank you, kung hindi man, thank you dahil binasa mo ito kahit yung title lang. Nais ko na ibahagi ang aking sarili sa pamamagitan ng librong ito. Kung magdulot man ito ng rebulusyon, giyera, at global warming, ay hinihiling ko lang na wag itong magdulot ng anumang kapahamakan sa kapwa. Marami pang mangyayari sa buhay natin at sana kung anuman ang aking maiambag na kaalaman ay makatulong sa inyo sa buhay at hindi dalhin ka sa masama. Hindi ito “How to use illegal drugs, 5th edition” o “Manual to destroy your life and how to make it worst”. I repeat, for the last time, MANUAL TO LYF ‘TO!!!! BWAAAAAA!!!

Kung mayroon man mga reklamo, comments, suggestions, typographical errors, violent reactions, ad placements, donations, intentions, prayer request, at political protest, makipagugnayan lamang sa mga kinauukulan o di kaya ay mage-mail sa manual_to_lyf@yahoo.com o tumutok sa website nito ang manualtolyf.blogspot.com (Totoo po ito!). Malugod naming tinatangap ang anumang uri, maging ito man ay cash, cheque, o COD. All major credit cards are accepted. So Call now!


FAQ U!

Frequently Asked Questions for U!
Ang nilalaman ng librong ito Ito ang ilan sa mga karaniwan tanong sa buhay, hindi na kailangan ng extensive research para maintinihan ang isa’t isa. Common sense lamang ang kailangan para ito ay maunawaan kasabay ang mga karanasan na ating nararanasan at hindi pa nararanasan. Sa dami ng tao sa mundo at sa dami ng karanasan at aral mula sa kanila ay may sapat na dahilan na tao upang ipagpatuloy ang buhay na akala mo ay walang kuwenta.

Ito na ang ilan sa tanong na maaring gumugulo sa iyong isipan ng maraming taon. Maaring ang mga tanong na ito ang dahilan kung bakit hindi ka makatulog sa gabi, o makakain sa tanghali, o makatae sa CR. Sana ay masagot ang ilan sa inyong mga katangungan at malinawan sa inyong mga isipan. At kung may kulang pa sa mga naisulat ay magprostesta na lamang kayo sa harap ng Malakanyang at humingi ng ikalawang edisyon.

Ito na ang ilan sa mga listahan ng FAQ U!


  1. Ano ang Life?

  2. Bakit mayroong Pamilya?

  3. Bakit kailangan ang pagkain?

  4. Bakit kailanagn ng damit, bahay, aso at tsinelas?

  5. Bakit kailangan ng Pera? Saan ito nagmula?

  6. Bakit kailangan na mag-aral? Saan ang pinakabest pakage para sa estudyante?

  7. Ano ang kalaman? Malalaman ba ng tao ang lahat ng sagot sa kanyang tanong? Kailan matitigil ang pagtatanong?

  8. Bakit may mayaman at mahirap? Pangit at maganda? Mainit at malamig? Black and white?

  9. Ano ang oras? Anong oras na ba?

  10. Paano alisin ang lungkot sa buhay? Bakit dapat hindi magpakamatay ng hindi muna magpakunsulta sa Feng Shui expert?

  11. Ano ang panananampalataya?

  12. Ano ang pilosopiya? Matalino ba talaga ang mga pilosopo?

  13. Ano ang dahilan ng kaguluhan sa mundo? Dahil ba ito sa kapangyarihan, pera, katanyagan o sa nabusted na panliligaw?

  14. Ano ang emosyon? Ano ang pag-ibig? Bakit marami ang naniniwala dito? Bakit wala patent sa mga nakaimbento nito?

  15. Ano ang sukatan ng tunay na tagumpay? Ito ba ay dahil sa kayamanan, katanyagan, kapangyarihan, text votes o sa dami ng entries na naipadala?

  16. Ano ang Imahinasyon?

  17. Ano ang mga pamahiin? Mga paniniwala at Hula? Effective ba sila o hinulaan lamang?

  18. Ano ang wika?

  19. Bakit Mayroong Pangalan? Paano pumili ng magandang Pangalan?

  20. Bakit kailangan na humingi ng iklawang libro?


Kabanata 1:

Ano ang Life?

Mabuhay!

Ito ang Pinoy way of greeting sa isang bisita. Galing ito sa salitang buhay, isang magandang idikasyon na nais ng bumati ang isang magandang buhay na iyong maranasan sa iyong pagdating. Unique siya dahil sa mga world expressions, ang mabuhay lang nagbibigay ng diin sa buhay na kasama pa ang mainit na pagtangap. Isang simpleng salita, pero marami at malalim ang ibig sabihin tulad nga ng salitang buhay. (Trivia: sa lungsod ng Maynila, maari kang ipakulong sa hindi pagsagot sa bumati sa iyo ng mabuhay, isa itong ordinansa sa lungsod na hindi gaanong alam ng karamihan. Bakit di mo subukan sa mga tao na nasa Baywalk at Luneta, sabay suplong sa kinauukulan)

Ano ba talaga ang buhay? Ito ba ay anuman na humihinga o gumagalaw? Kumakain at kinakain? Nabibili ba ito sa tindahan? Magkano? Mahirap ba itong magwa? Saan ito nangaling? Puwede ba itong ipagpalit sa mga supermarket at sabihin na “Puwedeng palitan ang buhay ko kasi defective at maraming damage eh, may resibo naman ako.” Yan palagi ang tanong sa ating isip nating mga tao hindi lamang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Ang pagpapaliwanag sa buhay ay napakakomplikado pero napakapayak kung pagmamasdan. Sa madaling salita, napakalawak ng ibig sabihin sa isang simpleng salita. Pero alam natin na ito ay unique, nag-iisa, at once in a life time chance for the one million pesos. At sa totoo lang, kahit ilang edition ng librong ito ang mailimbag, hindi ko buong buo maipapaliwanag ito, kaya crash course muna tayo.

Ang definition ng life ayon sa science ay hindi lubusang maintindihan o mapaliwanag ito. Kung titignan punong puno ng life an gating planeta mula sa dami ng populasyon ng tao hangang sa trilyon trilyon na dami ng bacteria na isa pa rin living organism. Ikaw, at ako ay buhay rin. Oo, kahit bacteria ay may karapatang mabuhay pero yung nga lang sandali lang mga 50 seconds lang. At dahil unique ang bawat isa may sari-sariling mga kuwento ang bawat isa na nais o di nais na ibahagi.

Ang buhay nga ng tao ang pinakakomplikado sa lahat ng kilalang buhay na nilalang. Kasi kasama dito ang emosyon, kalaman, pilosopiya, mga achievements, o mga failures at problema na kaakibat ng survival. Ang mga hayop kasi, mayroon nga silang emosyon at kaunting kalaman ay di hamak na mas mataas tayo ng maraming level kaysa sa kanila. Kaya ba ng dolphin na magcompute ng differential ng x raised to the 4th power over 2y? O sino kayang Chimpanzee ang makakasulat ng isang libro na tulad nito liban sa awtor nito? Kaya mapalad tayong mga tao na maging angat sa kaalaman at narrating an gating kinalalagyan sa mundong ito.

Balikan nga natin ang buhay ng tao, dahil sa dami ng mga dahilan na umaapekto sa ating buhay ito ay nagkakaroon ng mga kakaibang experiences, dito tayo nagiging unique. Kahit na kambal, ay may pagkakaiba rin ngunit higit lamang ang mga pagkakaparehas kaya natatakpan ito. Bilang mga sariling katauhan maari nga na tayo ay mayroong sariling mundo. Ang ating tanong na lang ay kung ano an gating gagawin sa buhay na mayroon tayo. Maraming paraan, tayo lamang ang magpapasya at gagawa ng ating sariling MTV ng buhay natin.

Nakakalungkot nga lamang ang marami pa rin na tao sa mundo ang nagpapakamatay dahil sa mga mabababaw na dahilan na maari naming malutas kung nanaisin. Hindi sapat na dahilan na magpakamatay dahil sa namatay na ang iyong paboritong askal o nagkalimutan mong tayaan ang nanalong numero mo sa lotto. Hindi dapat magpadalos dalos at kaagad kang kukuha ng lubid ng kuryente ng meralco at magbibigti sa poste na parang Halloween. Maaring magandang dahilan sa pagkakamatay ay kung walang nang natira na tao sa mundo dahil sa bionuclear weapon na pumuksa sa lahat. Maaring marinig mo ito sa iyong mga kaibigan kung nagpakmatay ka: “Sayang hindi niya napanood ang concert ni Martin Nievera, ang ganda pa naman, kasi nagpapakamatay pa kasi siya ng dahil sa nagkavirus lang ang computer niya. Tsk tsk tsk!”

Well, maganda ang life kahit na ikaw ay mas mahirap sa daga at sa lunga nakatira o maging ikaw man ang anak sa labas ni Bill Gates. Masaya pa rin ang buhay sa kabila ng mga problema at pagsubok, tignan lang natin na mayroon kang pangarap. Libre ang pangarap, kung binibili ito, siguro nagpakamatay na lamang ang mga tao dahil puro masama na lagi ang buhay. Mayroon nga akong mga nakilalang nakatira sa tinatawag na Happyland sa may Tondo. Pero hindi mga mansion ang mga bahay doon, karamihan ay mga barung barong na minsan ay nakalutang na sa basura infested na Manila bay. Inisip ko kung mayroong mga tao na magiging “happy” sa lugar na iyon kung ganito ang kanilang mga buhay. Nagbabalat lamang ng bawang ang karaniwang hanapbuhay at mayroon pa ritong mga siga at mga gang na naghahasik ng gulo sa tinaguriang Happyland. Pero nang may nainterbyu ako na isang maybahay doon, sinabi niya na masya naman siya sa buhay kahit mahirap ay nabubuhay naman siya ng tahimik at walang inaalalang pambili ng load, makulit na textmates, rush hours at trapik. At nguniti siya bago ako umalis at nalaman ko kaagad ang pinakapangarap niyang makamit… isang bagong pustiso.

Ang buhay ay punong puno ng masasaya at malulungkot na pagkakataon, mas marami, mas masarap ikuwento ang buhay. Marami tayong mapupulot na aral sa buhay mula sa nakaranas na. Hindi batayan ang estado sa buhay kung magiging masaya o malungkot ang buhay. Maari kang maging mayaman ngunit puno ng problema o sobrang hirap pero walang inaalala dahil wala naman siyang perang maaring manakaw, o bahay na iniiyakan kapag nasunog o kaya magwala dahil na flat ang guloing ng kaynyang kotse, dahil wala naman siya nun. Nasa tao talaga ang kapalaran niya sa buhay, kung ano man ang kanyang ginawa sa kanyang kasalukuyan ay maaring malaki ang kahihnatnan sa hinaharap. Kung sunugin mo nga ang iyong bahay ngayon, masasabi mo na walang pagbabago sa iyo bukas., sige patunayan mo. Walang tao ang magsasabi na buong buhay niya ay hindi siya nanging masaya, kahit paano ay may mga pagkakataon kung saan kahit ang simpleng salita ay magdudulot ng saya sa tao, kahit paano walang dahilan para sabihin mo sa iyong sarili na ubod ka ng saksakan ng pinakamaiitim at kalalimlalimang malas at pinakamasalimuot na tao sa buong daigdig. Sabi nga habang may buhay, may pag-asa, at maaring magbago ang takbo ng buhay mo. Kung dati ay nasa bahay kubo ka nakatira maaring dumating na ang panahon na magka-air con na ang bahay kubo mo at umunlad naman ang buhay mo kahit paano. Yan ang kakaiba sa buhay, mas daig pa ang pinakamalaking teleserye, fantaserye, sineserye, reality show at game show, lahat na ito magkasama sa isang all in one na package, ang buhay.

Ang isang kilo ng bigas ay 42 pesos, ang sine sa mga malls ay 150 pesos, ang palitan ng piso sa dolyar noong mga 1960’s ay 1 peso to a dollar. May mga Hong Kong Disneyland packages na aabot mula $400 hangang $1000, ang kaubuuang halagang kailangan para sa pagaaral ng isang bata mula pre-school hangang sa pagtapos ng kolehiyo na lahat ay nasa pribadong paaralan kasama ang baon, project, special projects, JS prom, at iba ng gastusin ay aabot sa halagang 4.3 million pesos. Ang mga condo yunit ay naglalaro sa 1.3 hangang 10 million pesos. Alam mo bang mayroong mga batang kinikidnap at ibinibenta ng palihim sa halagang 2000 hanang 5000. Kung nagtataka ka kung bakit ito ang mga sinulat ko, ito kasi ang nagging sentro ng buhay ng maraming tao. Sa tingin nila ang lahat sa mundo ay may kaakibat na halaga ng pera, kahit ang buhay. Sa commercial ng mastercard, ipinapakita rin ang halaga ng mga produkto pero sa dulo na ang kasiyahan na dulot ng mga ito sa huli, at ito ay walang kinakailangan na halaga. Kung isa kang tao na puro pera na lang nasa isip araw araw, panahon na isipin na ang pera ay hindi ang buhay mo at handa mong ipagpalit ito sa iyong buhay at puri, mayroon dapat higit bigyan ng pansin higit sa pera. Hindi ito ang buhay mo. Que se joda na may recession, world financial crisis, at pagkapanalo ni pacquiao. Kaya life is priceless, no price tag, no discount, no credit, no sale, no ID, no entry.

Ang buhay ay biubuo ng apat na stage: (1) Childhood (pagkabata) ; (2) Adolesence (hindi na bata) ; (3) Adulthood (pagtanda) ; at (4) Senecence (uugod ugod na). Iyang apat a iyan ang kailangan na pagdaan ng tao sa kabuuang buhay natin. At dahil in order ang ma ito, hindi pwedeng mag-advnce o umulit. Para siyang papel na nasulatan ng papel na hindi na puwedeng burahin, isama mo pa ang pagtatae nito at pabango at gliters na kasama ng tinta (available in pink and violet colors with dead rose petal and gulaman grape scents). At dahil maraming uri ng bolpen at kulay nito, naging makulay at kapanapanabik ang mga bahagi nito. Since nabangit na ang mga stage ng buhay ng tao, sige isa isahin natin sila para mapalalim ang usapan natin tungkol sa buhay.

Pagkabata (0-12 years old) – ito ang pinakaunang pagdadanan ng tao kung saan ang tao ay dumating sa mundo na walang kalamalam kung ano ang pumapaligid sa kanya. Dito nagsisimula ang pagmamasid, panggagaya, pag-aaral, at makulit na pagtatanong. Ito ang bahagi na kung saan nakikilala natin ang ating pamilya, kaibigan, mga future na syota, asawa, at ex. Ito daw ang panahon kung saan magandang maginvest sa kalinangan ng tao para maging mas magaling siya sa kanyang pagtanda. Mula sa gumagapang na sanggol, ay natututo na itong mag-lakad, makipag-usap, mag-isip, at manood ng paboritong cartoon sa TV. Ito ang panahon rin kung saan makikita ang kanyang hinaharap dahil kung anu man ang kanyang matutunan ngayon ay gagamitin na niya sa kabuuan ng buhay niya.

Adolesence (13-21 years old) – ang bahagi ng buhay na sinasabi na mapusok, mainit, maarte, mapagmahal, masipag (sa panliligaw at paggawa ng slumbook), at panahon rin ng maraming pagbabago sa katawan. Mula sa mga batang hindi nahihyang magwagayway ng kanilang putotoy sa madla ay nagiging maiingat at malihim na mga binata dahil sa takot na malaman na hindi pa sila tuli. At mula sa mga batang babaeng walang pakialam sa kanilang mga hitsura ay nagiging super kikay na kumleto sa lahat ng kemikal at aparato kasma na rin ang kanyang mga susuotin para maging maganda sa harap ng mga tao ang kanyang sarili na kung minsan ay inaabot ng ilang bilyong Segundo para makapaglagay lang ngpampangada sa mukha pa lamang. At kasabay ng pagkakaroon ng Adam’s Apple, paglaki ng katawan, dibdib, balakang, pagtubo ng ibat ibang buhok sa bahagi ng katawan tulad ng kilikili, hita, mukha at puwet, pagpiyok, pagkakaroon ng bisita kada buwan (in short menstruation, pinaganda ko lang kaysa sa lumang buwanang dalaw pero korni rin ang labas), ay ang pagkakaroon ng crush, boyfriends, girlfriends, MU, loveteams, karibal, tukso, pinapantasya, at gender preference na kung tutuusin ay napakahirap pagsabaysabayin, pero sa kkabilang banda ay nagpapasaya sa atin ng lubos dahil sa pagkakaroon ng mga kaibigan at mga bagong karanasan. Nagsama dito ang mga gawain ng mga bata at matatanda, na habang tumatagal ay nagiging mas seryoso, at mas handa na mamuhay para sa sarili.

Adulthood (20 ++-60 years), ito na ang ganap na buhay kung saan mayroon nang pamilya, kotse, bahay at lupa, anak at kung minsan ay walang wala . Maaring umabot sa anatas na ito ng mas maaga depende sa tao. Mas matalino ay mas mature. Dito na rin nila inaabot ang knailang malalaking pangarap na kanilang pinlano ng halos buong buhay nila. Dito maari pa rin ang maging bata o tinedyer pero napakakaunting paanahon na lamang kundi sa pavillon ang kanilang basak. Dito mauuso ang mga kabit system, hiwalayan blues, mid life crisis, election frauds, corruption, pagkahilig sa balita, at sugal. Ang mga gastos rin kailangan at mahalagang uri ng ng mga pinagkkukunan ay malinaw upangmatugunan ng pangangailangan ng pamilya lalo na ang mga anak.

Senecense (uugod-ugod na) sila ang nabibilang na bahagi ng populasyon dahill iilan lamang ang mga nakakaabot sa ganitong mga tanda. Dito makikilala na ang mga mayroong alziemers decease, Pagkakaroon ng adult diapers, pagiging malimutin, pagbabawal sa mga bagay tulad ng pork hipon at iba pang pagkain na dulot ay memory gap. Sila ay nagkakaroon na ng iba’t ibang uri ng sakit at makikita sa kanilang katawan na hindi na sila nagsa-southbeach diet. Kung may karatehan pa naman medyo maliit na lamang ito. Sila ay nag kakaroon ng second childhood at kung anu-anong iniisip, sila na nga yun.

Pagnakatapos ka na sa isa wala ka nang magagawa para palitan ang nakaraan. Kaya mahalaga ang bawat sandali ng buhay mo, huwag itong sayangin sa pahiga higa at naghihintay na mahulog ang nakasampay na panty ng kapitbahay sa iyong bibig. Kailangan na makagawa ng paraan para masabi mo sa iba at sa iyong sarili na mayroon kang makabuluhang nagawa sa buhay mo. Mas mainam kung bata pa lamang ay may magandang mga bagay na ginagawa.

Dumarami na ang nagpapakamatay sa panahon ngayon. Parang karaniwan na lang iyon sa ating lipunan. At marami pa itong nakikitil na buhay kaysa sa isang digmaan. At habang patagal ng patagal, nagiging mas maarte ang mga nagpapakamatay, may pa-suicide note na may pabango at picture pa sila na kasama. Nakapamporma pa ang suot nila sa pagpapatiwakal nila. Ang iba ayaw, nasaktan, hinihiwa na lang ang pulso. Ang iba dinadaan sa paglunod sa gamot. Parang Darna ang drama, lulunok sila ng gamot at sisisgaw ng “TEPOK!!!” ay bubula sa bibig at yun patay na, in an instant! Marami pa nga madrama pa ang pagpapakamatay, gusto may audience, kaya umaakyat sa malalaking billboard sa EDSA at dun mage-emote sa kasawian niya sa buhay. Mabuti kung walang MMDA na magtatangkang irescue ka at alukin ng pagkain at isang libong piso para lang bumaba. Payo lang huwag gawin ito para kumita dahil, play money lang ang inaabot. Marami pang mga paraan para sa pagtitiwakal ang ginagawa natin, pero malaking sayang na pala ito para sa iyo dahil bata ka pa at marami pang mga bagay na maaring magawa at marating sa buhay. Example na dito si _________ (tawagin na lamang natin siya sa pangngalang _________ upang mapangalagaan natin ang kanyang lihim, walang clue! Lihim nga eh), marami nang beses na siyang magpakamatay dahil sa bumabagsak na career at sirang pag-ibig pero hindi nagiging tagumpay ang pagpapakamatay, tinuloy na lamang ang buhay at natutunan niyang bumawi sa kanyang ginawang kalokohan pero nang mahimasmasan sa kalokohang ginagawa, ginawang makbuluhan ang buhay at naging mas matagumpay na siya at mayroon ngayong masayang love life. Natural lang sa tao ang problema, pero hindi ito ang magandang dahilan para isuko ang buhay. Mas mainam pa na mamatay dahil natuklap ang iyong kalyo at naubusan ng dugo, o mapatay sa digmaan ng iyong mga kapitbahay dahil yun ay mga pangyayaring natural at di-naplanong pagkapatay.

Kung ikaw naman ang tatangunin, ano ang buhay sa iyo? Marami ang maaring sagot, may scientific, may philiosphical, may biology-related, payo ng mga lasing, mula sa pantas at dalubhasa, o nakuha lamang sa mga quotations ng ibang tao, friendster shoutout o sadyang gawa gawa lamang para masagutan ang makulit na tanong na ito. Mahalaga na mayroon tayong malinaw na pananaw ukol sa buhay para maging gabay natin sa kabuuan ng buhay. Narito ang ilan sa kanila



What is life?

  • Life is like a box of chocolates you’ll never know what you will get.

  • Life is not a bed of roses, for tonight I’ll sleep on abed of nails.

  • Life is not that bad my frined hmm… If you no one who walks through life with with you, you’ll never been alone just learn to reach out ang open you’re heart hmm… (Lift up your hands)

  • Life is short, live it to the fullest!

  • Life is when my blood still circulates, my mind controls my body and when I don’t lay dead.

  • Ang buhay ay mahalaga, kaya uminom lagi ng Virgin coconut oil everyday for a healthy body everyday! Only 12 pesos per capsule!

  • Life is like a rosary, it is full of mystery (hindi ba love to?!)

  • Live to Eat

  • Eat to Live

  • Life is like a wheel, sometimes you’re up sometimes you’re down

  • Life is a game you have to play it until the very end

  • Life’s a boat in the big sea of the world

  • Life is only skin deep (?!)

  • Life is full of nothing more nothing less.

  • Life is like a coin, it has two sides and in the middle.

  • Life is a journey

  • Life is a gift, take care for it and share it to others.

  • Life ia non limiting, ever changing, and growing.

  • Life leads to world peace!

  • Ang buhay ay parang dagat, malawak ito at puno ng mga alon, dapat marumong tayong lumangoy.

  • Loving is Living

At marami pa ang mga kasabihan ukol sa buhay. Ang bilyong bilyong buhay sa mundong ito ay may sariling kwento, sari-sariling karanasan sa mundo. Ang pinakamalaking pribelehiyo na ating nakuha bilang mga nilalang, maputulan ka man ng paa, kamay, darili at , mas mainam pa rin na buhay ka dahil ang mga ito ay maaring pwedeng palitan ng mga artifical na bagay upang mapalitan ang nawalang bahagi. Pero kapag ang buhay ang nawala, wala na, walang artifical life na maaring pamalit dito. Hindi ito tulad ng isang video game na kailangan na mag-insert ng coin para i-continue. Kaya ang bawat sandali ay mahalaga.

Ang buhay ay hindi pwedeng idikta kahit ng sinumang tao. Kahit ikaw ang pinakamakapangyarihang tao, nasa tao pa rin ang kanyang buhay. Kahit sa gitna ng kaguluhan, giyera at pang-aabuso, ang tao rin ang kanyang buhay. Kung ikaw ay pinahahalik sa paa ng iyong kalaban at binantaan kung hindi mo ito gagawin, nasa iyo ang desisyon kung hahalikan mo ba ito para mabuhay o pumalag o di kaya ay magkunwaring inatake ka sa puso para maiwasan ito.

Ang buhay nga naman ng tao ay hindi maididikta o maaring itakda kung walang pangigipit mula sa kanyang mga kasamahan. Sige nga quiz tayo; Kung itinakda ka na ikasal sa isang taong di mo mahal marami kang options: (a) Magpapakasal ka at mabubuhay ng payak at magsugal maghapon magdamag; (b) Makipagtanan sa tunay mong mahal at gayahin ang napanood na telenobela; (c) Magpataba ng todo todo upang ma turn off ang ipakakasal at kanselahin ang kasal at magpapayat muli; (d) Maging artista at idemanda ang producer dahil pangit ang kalove team; at (e) all of the above. Kung ikaw ang nasa ganitong kalagayan, ano ang iyong gagawin?

Kung malabo pa ang buhay sa iyo, sa tingin ko ay kailangan mo pa ng ibang tao para makinig sa buhay mo. Hindi ko kayang marinig ang hinaing mo sa iyong masungit na titser o mapang-api na madrasta at ang kanyang aso, mas mainam ang isang tao kayang makinig sa iyo at sa iyong hinaing sa buhay. Huwag kang maingit sa buhay ng iba, lalamunin ka lamang nito para galitin ang sariling buhay. Oo mapalad sila pero lamang lang sila ng ilang paligo sa iyo. Dahil kahit si Bentong ay may karapatanan na maging Philippine Idol. Mabuhay!




Download 216.76 Kb.

Share with your friends:
  1   2   3   4




The database is protected by copyright ©sckool.org 2022
send message

    Main page