A. Ang mga Kasanayang Pangwika sa Pagtatamo ng kasanayang Akademik



Download 9.89 Kb.
Date01.09.2022
Size9.89 Kb.
#87816
Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang edukasyon

A. Ang mga Kasanayang Pangwika sa Pagtatamo ng kasanayang Akademik
- Pinangunahan ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagrereistrukturang kurikulum sa batayang edukasyon dahil sa mga sumusunod na dahilan:
1. Higit namagiging malikhain o inobatibo sa interdisiplinari ang mga guro sa kanilang mga estratehiya sa pagtuturo. 2. Higit namahahamon ang mgamag-aaral na makapag-isip nang kritikal upang mahikayat silang masikap namatamo angkanilang interes o pangarap sa buhay. 3. Interaktib ang pinakaideyal na proseso ng pagtuturo at pagkatuto. 4. Magkakaroon ng resiprokal na interaksyon ang mga guro at mga mag-aaral sa iba’t ibang disiplina, sa mga gagamiting kagamitang paturo at multi-media sources. 5. Kasangkapan ang wikang Filipino sa pakikipagkomunikasyong sosyal at interpersonal at ito’y behikulo sapagtuturo ng mga disiplinang itinuturo sa Filipino.
Sa ginawang pagrebyu ng DepEd sa dating kurikulum sa Filpino lumitaw ang mgasumusunod na obserbasyon:
(1) Paulit-ulit lamang ang istrukturang gramatikal na itinuro mulaelementary hanggang tersyarya. Hindi pang-linggwistikaang pagsusuri at pag-aanalisang ginagawa
(2) Hindi maihanda ang mga mag-aaral tungo sa pagpapalawak ng kaalamang kailangan sa pag-aaral sa kolehiyo.
(3) Hindi lubusang nalilinang ang apat na komponent ng kasanayang komunikatibo (kaalamang gramatikal, kaalamang diskorsal, kaalamang istratedyik at kaalamang sosyo-linggwistik.)
(4) Hindi wastong natatalakay ang panitikan bilang isang disiplina.
(5) Hindi halos napagtutuunan ng pansin ang paglinang sa mga kasanayan at kaalaman sa maunawang pagbasa at malikhaing pagsulat.
(6) Hindi lubusang nakatutulong upang matutuhan ng mga mag-aaral ang iba pang sabdyek na ginagamitan ng Filipino bilang wikang panturo at
(7) Nananatiling napakababaang iskor sa NSAT (kabuuang 64% sa loob ng 3 taon)
Napagpasyahang magkaroon ng pagrepokus sa kurikulum ng Filipino sa batayang framework.
ü nilinaw na ang pangunahing mithiin sapagtuturo ng Filipino ay ang makalinang ng mag-aaral na pangkomunikasyon.(gramatikal, diskirsal,istratedyik at sosyo-linggwistik)
ü Tiniyak na ang diskripsyon ng Filipino bilang isang sabdyek.
ü bilang pantulong na sabdyek saelementary, bibigyan ng diin ang paglinang ng apat na kasanayang makro at kaisipang Pilipino.
lebel 1-3, idedebelop ito samga komunikasyong sitwasyunal sa tulong ng iba’t ibang awtentikong materyal. lebel 4-6, lilinang naman sa paggamit ng Filipino sa malikhain at kritikal napag-iisip
ü Sa lebel sekundarya,makikilala bilang Filipino sa iskolarling pakikipagtalastasan.
Sa unang dalawang taon,ang pokus ay gramatikaat pagbasa (1-2) sa huling dalawang taon naman ay panunuring pampanitikan.(3-4)
ü Maibubuod samga sumusunod nakatangian ng pagtuturo ng Filipino ayon sa bagong kurikulum.
a) May integrasyon ng apat na makrong kasanayang pangkomunikasyon at mga kasanayan sa pag-aaral.
b) Pinalalawak o pinayayaman sa pamamagitan ng integrasyon ng bokabularyo, mgapagpapahalaga o values at mgakompetensi mula sa Agham Panlipunan at iba pang lawak ng makabayan.
c) Nakapokus sa paglinang ng mga kasanayan sa akademikong wika at mga kasanayan sa batayang komunikasyong interpersonal at sosyal.
d) Nakasentro sa pagtulong samga mag-aaral na magkaroon ng akses namatutuhan ang nilalaman anuman ang anyo nito-teksto, grap, ilustrasyon at iba pa.
e) May interaksyong mag-aaral-guro-teksto at multimedia.
f) Humahamon sa mga mag-aaral upang mapag-isip ng kritikal at malikhain sa target na wika.
g) Binibigyang-diin ang aktibasyon at integrasyon ng dating kaalaman, ginagamit ng mga alternatibong paraang ebalwasyon, kooperatib/kolaboratibong pagkatuto, scaffolding at paglinang ng mga estratehiyasa pag-aaral.
h) Hinihikayat ang mga mag-aaral na magkaroon ng control sadisenyo ng pagkatuto at pag-oorganisang klase
KASALUKUYANG KALAGAYAN NG PAGTUTURO
NG FILIPINO SA BATAYANG EDUKASYON
Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya sa Batayang Edukasyon
A. DESKRIPSYON
MGA LAWAK O KASANAYAN SAKLAW NG MGA LAWAK O KASANAYAN
Ang Filipino bilang isang aralin o asignatura ay lumilinang sa kasanayan sa PAKIKINIG, PAGSASALITA, PAGBASA, PAGSULAT at PAG-IISIP.
Para sa MABISANG PAGTUTURO, ang mga TIYAK NA KASANAYAN ay nililinang sa pamamagitan ng mga sitwasyon ng iba’t-ibang kagamitan sa LUBUSANG PAGKATUTO.
Bukod sa kasanayan sa PAKIKINIG, PAGSASALITA, PAGBASA, PAGSULAT, ang FILIPINO bilang isang aralin ay lumilinang sa kasanayan ng PAG-IISIP.
KONSEPTO NG SIBIKA AT KULTURA, ang NILALAMAN ng Filipino sa una hanggang ikatlong baitang
a. Maaaring gamitin ng Filipino ang nilalaman ng SK/HKS. Ang pokus ay nasa PAGLILINANG ng mga kasanayan sa PAKIKIPAGTALASTA-SAN.
b.Inaasahangang mga BATAYANG KASANAYAN sa pagbasa ay matutuhan nang lubusan satatlong unang baitang.
4. NAKALAAN/NAKATAKDANG ORAS SA PAGTUTURO NG FILIPINO
PAGBABAGO
BAITANG NESC RBEC PAGBABAGO
I-III 60 80 Dagdag na 20 minuto
IV-VI 60 60 Walang dagdag
PAGBABAGO
1. Para sa Baitang I-III, ang pang araw-araw na pagkakabahagi ng oras ay 80 minuto samantalang sa Baitang IV-VI ang nakabahagi ay 60 minuto
2. May dagdag na 20 minuto sa Baitang I-III. Mula 60 minuto na naging 80 minuto. Walangdagdag sa Baitang IV-VI.
3. Katulad ng saENGLISH, WALANG PAGTAAS NG BILANG NG MINUTO SA BAITANG IV-VI sa pagsasaalang-alang na ang BATAYANG KASANAYAN sa pag-aaral ay natutuhan na saunang tatlong baitang..
5. MGA DAPAT ISINASAALANG –ALANG SA PAGTUTURO NG FILIPINO
1. PAMAMARAANG PAGSASANIB (INTEGRATIVE METHOD
Integrasyon o pagsasanib ng mga kasanayan/Lawak sa Filipino (Skills –Based Integration)
Download 9.89 Kb.

Share with your friends:




The database is protected by copyright ©sckool.org 2022
send message

    Main page