La Hija del Fraile



Download 29,52 Kb.
Date21.02.2020
Size29,52 Kb.
Ang Fray Botod ay kathang satiriko ni Graciano Lopez Jaena noong 1874 tungkol sa isang paring Espanyol na ginagamit ang relihiyon upang apihin at abusuhin ang iba at upang busugin ang sarili sa pagkain, salapi, at babae. Ang pangalan ng fraile ay hango sa salitang Hiligaynon na “botod” na nangangahulugang bundat o malaki ang tiyan dahil sa sobrang pagkain.

 Isa itong katawa-tawang paglalarawan ng tao na isinagawa sa pamamagitan ng diyalogo ng isang Filipino at ng liberal na kaibigang Espanyol. Pinagusapan nilá ang masamâng ugali ng fraile sa iba’t ibang sitwasyon, gaya ng pagsusugal, pagdaraos ng misa at pista, pamumulitika, pagsisinungaling at pagyayabang, grabeng katakawan sa pagkain, mahabàng pagtulog sa tanghali, at pagpaparusa. Ilan sa mga ipinakitang ugali ay ang pagkakaroon nitó ng relasyong inmoral sa mga batàng babae, pananakot at pagpaparusa sa mga estudyante, pagpapabaya sa kaniyang responsabilidad bilang pari para makapagsugal, at malupit na pagpaparusa sa isang manggagawang Indio na hindi nakapagtrabaho sa kaniya nang tatlong araw dahil sa asawang maysakit.

Sinabing ang mga pagbisita ni Lopez Jaena sa mga mahirap at karaniwang tao sa Jaro, Iloilo noong kabataan niya ang nagmulat sa kaniya sa mga kawalan ng katarungan sa paligid at nagtulak sa kaniyang isulat ang Fray Botod sa edad na 18. (KLL) ed VSA

La Hija del Fraile

tumutligsa ang akdang ito sa maling pamamalakad ng pamahalaang Espanya at maling sistema ng edukasyon

isang TALUMPATING nagbibigay-pugay sa tatlong Pilipinong nagwagi sa Eksposisyon sa Paris noong Mayo 6,1889.

ito ay tungkol sa isang preyleng subrang pyat pgdating sa pilipinas at pagkaraa'y naging mukhang tao.

hinggil sa isang mayamang pilipina

FRAY BOTOD

pagpuri ni jaena sa pantayang pamamalakad ni Heneral Morayta

Isang maikling nobelang naglalarawan hinggil sa isang prayleng dumating sa Pilipinas. Ito'y payat na payat ngunit nang makalipas ang ilang panahon naging mukhang tao. Tinuligsa ni Graciano Lopez Jaena ang pagbibigay ng masasamang halimbawa ng mga prayle na sana'y magiging mabuting huwaran ng mga mamamayang Pilipino na makatulong tungo sa pagtatamo ng kapuri-puri at kasiya-siyang kaasalan. Nailarawan dito ang mga iba't ibang bisyo ng mga prayleng Kastila. Ang pagsingil ng mahal sa pagpapalibing at pagpapatubo ng malaki sa mga utang at iba pang mahahalay na gawain.

GRACIANO LOPEZ JAENA

Isang talumpating naglalayon sa kalayaan ng mga pilipino.

Mga akda ni Graciano

En Honor los Filipinas (Ang Dangal ng Pilipinas)

Talumpating nagbibigay pugay at nagbubunyi sa tatlong Pilipinong nagkamit ng gantimpala sa Eksposisyon sa Paris, Mayo 6, 1889, sina Juan Luna at Felix Resureccion Hidalgo (mga pintor) at Joaquin Pardo de Tavera (iskultor).



En Honor del Presidente dela Assosacion Hispano Filipino

Binigyang papuri ni Lopez - Jaena si Heneral Morayta sa pantay-pantay na pamamalakad sa mga pinamumunuan.



Sa Mga Pilipino (1891)

Isang talumpating naglalayong mapabuti ang kalagayan ng Pilipino na malaya, maunlad at naipagtatanggol at natatamasa ang kanilang karapatan.



Ang Lahat ay Pandaraya

Isang lathalain tungkol sa mayamang Filipina na nagmamalaking sinasabi sa mga tao na siya'y magiging kondesa dahil sa isa raw konde ang kanyang mapapangasawa at buhat sa maharlikang pamilya at lahing Kastila ngunit ang ama pala nito ay isang hamak na sapatero at nakatira sa isang abang lugar ng isang distrito ng Madrid.



Pag uuyam sa mga kayabangan at kahalagahang ginawa ng mga prayle.

Mga Kahirapan sa Pilipinas

Ang akdang ito ay tumutuligsa sa maling pamamalakad sa pamahalaan at sa maling sistema ng edukasyon sa Pilipinas.

Isinulat ni Graciano Lopez Jaena ang La Hija Del Fraile upang batikusin ang mga kahalayang ginagawa ng mga kastilang prayle. Ginawa nya ito upang ipakita kung paano tratuhin ng mga Kastila ang mga pilipino sa pamamagitan ng kwentong tumatalakay sa pagpapakasal sa prayleng kastila.

Nobelang nang-uuyam sa kayabangan at kahalayan ng ginagawa ng mga prayle. Inilahad ni Lopez-Jaena ang kalunus-lunos na kalagayan ng Pilipino kung mapakasal sa isang Kastila.



1. PANAHON NG PAGBABAGONG ISIP

2. KALIGIRANG KASAYSAYAN

3. •Tatlong paring martir noong Pebrero 17, 1872. •Diwang liberalism sa pamamagitan ng pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan. •Ang pagkakadala sa kapuluan sa liberal na lider na si Jose Ma. De la Torre.

4. ANG KILUSANG PROPAGANDA

5. •Binubuo ng pangkat ng mga intelektwal: •Jose Rizal •Marcelo H. del Pilar •Graciano Lopez Jaena •Mariano Ponce •Jose Ma. Panganiban •Pedro Paterno atbp.

6. LAYUNIN NG KILUSANG ITO: •Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Kastila sa ilalim ng batas. •Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.

7. LAYUNIN NG KILUSANG ITO: •Panumbalikin ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Kortes ng Espanya. •Gawing mga Pilipino ang mga kura paroko.

8. LAYUNIN NG KILUSANG ITO: •Ibigay ang kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahayag, pananalita, pagtitipon o pagpupulong, at pagpapahayag ng kanilang mga karaingan.

9. MGA TALUKTOK NG PROPAGANDA

10. JOSE RIZAL MARCELO H. DEL PILAR GRACIANO LOPEZ JAENA

11. JOSE RIZAL •Ginamit ang sagisag na Laong-laan at Dimasalang bilang sagisag panulat.

12. MGA AKDA

13. 1. NOLI ME TANGERE •Ito ang kaunahan at walang kamatayang nobela na nagpasigla nang malaki sa Kilusang Propaganda at siyang nagbigay-daan sa himagsikan laban sa Espanya. •Inilantad ang mga kasamaang naghahari sa pamahalaang Kastila sa Pilipinas. •Tumalakay sa mga sakit ng lipunan.

14. 2. EL FILIBUSTERISMO •Karugtong ng Noli. •Naglalantad sa mga kabulukan ng pamahalaan, kasama rito ang katulong ngunit higit na makapangyarihan, ang simbahan.

15. 3. MI ULTIMO ADIOS •Ito ay kanyang isinulat nang siya ay nakakulong sa Fort Santaigo. •Ipinalagay ng marami na ang tulang ito ay maihahanay sa lalong pinakadakilang tula sa daigdig.

16. 4. SOBRE LA INDOLENCIA DE LOS FILIPINOS •Hinggil sa kasamaan ng mga Pilipino. •Isang sanaysay na tumatalakay at sumusuri ng mga dahilan ng palasak na sabing ang mga Pilipino ay tamad.

17. 5. FILIPINAS DENTRO DE CIEN ANOS •“ANG PILIPNAS SA LOOB NG SANDAANG TAON” •Ito ay sanaysay na nagpapahiwatig na ang panahon ng interes ng Europa ay mababawasan , samantalang ang impluwensya ng Estados Unidos mararamdaman. •Hula ni Rizal, “kung may sasakop muli sa Pilipinas, walang iba kundi ang Estdos unidos.

18. 6. A LA JUVENTUD FILIPINO •“SA KABATAANG PILIPINO” •Isang tula na inihandog niya sa mga kabtaang Pilipinong nag- aaral sa Pamantasan ng Santo Tomas.

19. 7. EL CONSUEJO DE LOS DIOSES •“ANG KAPULUNAGN NG MGA BATHALA” •Ito ay isang dulang patalinghagang nagpapahayag ng paghanga kay Cervantes.

20. 8. JUNTO PASIG •“SA TABI NG PASIG” •Isinulat niya ito nung siya ay 14 taong gulang.

21. 9. ME PIDEN VERSOS •“HINILINGAN NILA AKO NG TULA” (1882) – “A LAS FLORES DE HEIDELBERG” (1882) •Ang dalawang tulang ito nagpapahayag ng mga di pangkaraniwang kalaliman ng damdamin.

22. 10. NOTAS A LA OBRA SUCESOS DE LAS ISLAS FILIPINAS POR EL DR. ANTONIO DE MORGA •“MGA TALA SA AKDANG PANGYAYARI SA PILIPINAS NI DR. ANTONIO DE MORGA”

23. 11. P. JACINTO: MEMORIAS DE UN ESTUDIANTE DE MANILA •“P. JACINTO: MGA GUNITA NG ISANG ESTUDYANTE SA MANILA”

24. 12. DIARYO DE VIAJE DE NORTE AMERIKA •“TALAARAWAN NG PAGLALAKBAY SA HILAGANG AMERIKA”

25. MARCELO H. DEL PILAR

26. •Kilala sa kanyang sagisag panulat na: •PLARIDEL •PUPDOH •PIPING DILAT •DOLORES MANAPAT •SILING LABUYO

27. •Itinatag ang “diyaryong tagalog” noong 1882, na pinaglathalaan niya ng mga puna at pansin sa hindi mabuting pamamalakad ng pamahalaang Kastila.

28. •Nang dumating siya sa Espanya ay hinalinhan niya si Jaena bilang patnugot ng La Solidaridad na naging tagapamansag ng mga banal na mithiin na ikapagkakaroon ng mga kaluwagan sa pamahalaan ng mga Pilipino.

29. MGA AKDA: 1. PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA - salin sa sa tulang “amor patrio” ni Rizal na napalathala noong Agosto 20, 1882 sa “Diaryong Tagalog”.

30. 2. KAIIGAT KAYO – ito ay isang pabiro at pauyang tuligsa sa tugon ni P. Jose Rodriguez sa Noli ni Rizal; inilathala sa Barcelona noong 1888.

31. 3. DASALAN AT TOCSOHAN – akdang hawig sa katesismo subalit pagtuya laban sa mga prayle na inilantad sa Barcelona, 1888.

32. “Amain namin sumaconvento ka, sumpain ang ngalan mo malayo sa amin ang kasakiman mo, quitlin ang liig mo dito sa lupa para nang sa langit. Saulan mo cami ngayon nang aming kaning iyong inarao- arao at patawarin momkami sa iyong pag- ungal para nang taua kung kami’y nacucualtahan, at huwag mo kaming ipahintulot sa inyong manunukso at iadya mo kami sa masama mong dila. Amen

33. 4. ANG CADAQUILAAN NG DIYOS – isang hawig katesismo subalit pagtuya laban sa mga prayle na inilathala sa Barcelona. Nagtataglay ng Pilosopiya sa kapangyarihan ng Poong Lumikha, pagpapahalaga, at pag-ibig sa kalikasan.

34. 6. DUPLUHAN…DALIT…MGA BUGTONG – ito’y katipunan ng maiiksing tula at pang-aapi ng mga prayle sa Pilipinas.

35. 7. LA SOBERANA EN FEILIPINAS – isang sanaysay na tungkol sa mga katiwalian at di makatarungang ginawa ng mga prayle sa mga Pilipino. 8. POR TELEPONO 9. PASIONG DAPAT IPAG-ALAB NG PUSO NG TAONG BABASA

36. GRACIANO LOPEZ JAENA

37. •Siya ay nakagawa ng may 100 pananalumpati na magpahanggang ngayon ay binabasa ng mga makabagong Pilipino na tinitipon at inililimbag sa imprenta ni Remegio Garcia, dating may=ari ng tindahan ng aklat, “Manila Flatica.”

38. MGA AKDA: 1. ANG FRAY BOTOD – tinulligsa ang mga Prayle na masiba, ambisyoso at immoral ang pagkatao.

39. 2. LA HIJA DEL PRAILE at ang EVERYTHING IS HAMBUG - Ito ay ipinaliwanag ni Jaena ang mga kapahamakan at kabiguan kung mapakasal sa isang Kastila.

40. 3. SA MGA PILIPINO – isang talumpati na ang layunin mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino. Malaya, maunlad, at may karapatan.

41. 4. TALUMPATING PAGGUNITA KAY KOLUMBUS – noong ika-391 anibersaryo sa pagkakatukals ng Amerika na binigkas niya sa teatro ng Madrid.

42. 5. EN HONOR DEL PRESIDENTE MORAYTA DELA ASUNCION HISPANO PILIPINO – pinuri ni Jaena si Hen. Morayta sa pagpapantay- pantay niya sa mga tao.

43. 7. EN HONOR DE LOS ARTISTAS LUNA Y RESURRECCION HIDALGO – matapat na papuri sa kanilang mga iginuhit na mga larawan ng mga kalagayan ng mag Pilipino sa kamay ng mga Kastila.

44. 7. AMOR A ESPANA O ALAS JOVENAS DE MALOLOS (Pag- ibig ng Espanya sa mga kababaihan ng Malolos). Pag- aral sa mga Kastila ng mga babae na ang guro ay Gobernador ng lalawigan ang magbibigay.

45. •8. EL BANDOLERISMO EN PILIPINAS – ipinagtanggo niya na walang tuklisan sa Pilipinas at dapat magkaroon ng batas tungkol sa mga nakawan at kailanagang (Pilipinas) baguhin upang hindi mahirapan ang Pilipinas.

46. 9. HONOR EN PILIPINAS (Karangalan sa Pilipinas) – ang pagwawagi sa mga eksposisyon nina Luna, Resurreccion, at Padro de Tavera na ang katalinuhan ay nagbigay ng karangalan sa Pilipinas.

47. 10. PAG-AALIS NG BUWIS SA PILIPINAS 11. ISANG PAGLINANG SA “INSTITUCION NG PILIPINAS” 13. MGA KAHIRAPAN NG PILIPINAS – tinutukoy ang maling pamamalakad at edukasyon sa Pilipinas – 1887.

48. IBA PANG MGA PROPAGANDISTA

49. ANTONIO LUNA 1.NOCHE BUENA – naglalarawan ng tunay na buhay ng mga Pilipino. 2.SE DIVIERTEN (naglilibang sila) – isang pagpuna sa sayaw ng mga Kastila halos di-maraanang sinulid ang pagitan ng mga nagsisipagsayaw.

50. 3. LA TERTULIA FILIPINA (sa piging ng mga Pilipino) – naglalahad ng isang kaugalian Filipino na ipinalalagay niyang lalaong Mabuti kaysa kaugaliang Kastila.

51. 4. POR MADRID – tumutuligsa sa mga Kastilang nagsasabing ang Pilipinas ay lalawigan ng Espanya ngunit ipinalalagay na banyaga kapag sinisilangan ng selyo.

52. 5. LA CASA DE HUESPEDES (Ang pangaserahan) - naglalarawan ng isang pangaserahan na ang kasera’y naghahanap ng mangangasera hindi upang kumite, kundi upang maihanap ng mapapangsawa ang kanyang anak.

53. 6. IMPRESIONES – ito’y isang paglalarawan ng ibayong kahirapang dinaranas ng isang mag- aaral na naulila sa amang kawal.

54. MARIANO PONCE •Ay nagging tagapamahalang patnugot, mananalambuhay, at mananaliksik ng Kilusang Propaganda. •Ang kanyang mga sagisag panulat ay: TIKBALANG, KALIPULAKO at NANING.

55. MGA AKDA: 1. MGA ALAMAT NG BULAKAN – naglalaman ng mga alamat at kwentong-bayan ng kanyang bayang sinilangan. 2. PAGPUGOT KAY LONGINO – isang dulang Tagalog na itinanghal sa liwasan ng Malolos, Bulakan. 3. SOBRE FILIPINAS 4. ANG MGA PILIPINO SA INDO-TSINA

56. PEDRO PATERNO •Isang iskolar,dramateryo, mananliksik, at nobelista ng Kilusang Propaganda.

57. 1.NINAY – kaun-unahang nobelang panlipunan sa wikang Kastila na sinulat ng isang Pilipino. 2.A MI MADRE (Sa Aking Ina) – nagsasaad ng kahalagahan ng isang ina, na nagiging malingkot ang isang tahanan kung wala ito. 3.SAMPAGUITA Y POESIAS VARIAS – Katipunan ng kanyang mga Tula.

58. JOSE MA. PANGANIBAN •Ikinubli ang pangalan sa sagisag panulat na JOMAPA •ANG LUPANG TINUBUAN •SA AKING BAHAY •SU PALAN DE ESTUDIO •EL PENSAMIENTO

59. ANG PANAHON NG TAHASANG PAGHIHIMAGSIK

60. •Hindi ipinagkaloob sa mga Pilipino ang hinihinging pagbabago ng mga Propagandista. Naging bingi ang pamahalaan, nagpatuloy ang pang-aapi at pagsasamantala at nagging mahigpit pa ang pamahalaan at simbahan.

61. TALUKTOK NG TAHASANG PAGHIHIMAGSIK: •Ang kinilalang taluktok o pinakalider ay sina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, at Apolinario Mabini.

62. ANDRES BONIFACIO •Kilala bilang “ama ng demokrasyang Pilipino” ngunit higit sa lahat, bilang “Ama ng Katipunan” •Umanib sa “La Liga Filipina”

63. MGA AKDA: 1. KATUNGKULANG GAGAWIN NG MGA ANAK NG BAYAN – nahahalintulad sa sampung utos ng Diyos ang pagkakahanay ng kartilayang ito. 2. HULING PAALAM – salin sa tagalog ng “Mi Ultimo Adios” 3. PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA – isang tulang naging katulad din ng pamagat ng kay Marcelo H. del Pilar.

64. APOLINARIO MABINI •EL VERDADO DECALOGO (Ang Tunay na Sampung Utos) – ito ang ipinalalagay na kanyang pinaka “obra maestra” na ang pinakahangarin niya rito ay magpalaganap ng nasyonalismong Pilipino. •EL DESAROLLO Y CAIDA DE LA REPUBLIKA FILIPINA (Ang Pagtaas at Pagbagsak ng Republikang Pilipino) •SA BAYANG PILIPINO •PAHAYAG

65. EMILIO JACINTO •Ay kinilalang “Utak ng Katipunan”, sapagkat tumayo siya bilang kanang-kamay ni Bonifacio. •Sagisag panulat: DIMAS ILAW

66. MGA SINULAT: 1.KARTILYA NG KATIPUNAN 2.LIWANAG AT DILIM – kalipunan ng kanyang mga sanaysay na may iba’t ibang paksa, tulad ng kalayaan, paggawa, paniniwala, pamhalaan, at pag-ibig s bayan.

67. Buhat sa liwanag at dilim: Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira sa paningi. Ang liwanag ay kinakailangan ng mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay. Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy na sikat ng araw ay nagningning; ngunit sumusugat sa kamay ng nagaganyak ng dumampot. Ang ningning ay madaya.

68. JOSE PALAM Y ELASQUEZ •Ang kanyang mga tula ay tinipon sa isang akalat na pinamagatang “MELANCOLICAS.” •Siya ang may titik ng Pambansang Awit ng Pilipinas.

69. PAHAYAGAN SA PANAHON NG HIMAGSIKAN: 1. HERLADO DE LA REVOLUCION – naglalahathala ng mga dekreto ng pamahalaang mapanghimagsik, mga balita, at mga akda sa Tagalog na pawing gumigising sa damdaming makabayan. 2. LA INDEPENDENCIA – pinamatnugutan ni Antonio Luna na naglalayon ng pagsasarili ng Pilipinas.

70. 3. LA REPUBLIKA FILIPINA – itinatag ni Pedro Paterno noong 1898. 4. LA LIBERTAD – pinamatnungutan ni Clemente Zulueta.

Share with your friends:


The database is protected by copyright ©sckool.org 2019
send message

    Main page