A compilation of short stories written by Kharu435 of Wattpad



Download 474,58 Kb.
Page4/4
Date conversion04.04.2017
Size474,58 Kb.
1   2   3   4

“Dad.. I don’t get this!”

“Look, Audrey. Kagabi, halos manggulo na siya sa party para maka-usap ka and worse, gusto niyang umakyat sa stage para i-announce sa lahat na “MAHAL” ka raw niya. Don’t you think that’s pathetic, anak? Andami-dami nating bisita, tapos gagawa siya nang ganoong eskandalo??!!!”




I looked at my Dad blankly.


“Dad.. Since when did loving became ‘pathetic’?”

Tinitigan lang ako ni Daddy.

“Dad.. Sana.. Hinayaan niyo man lang ako na maka-usap siya. Sana.. Hinayaan niyo na lang kaming magka-sama!!” Tumulo na yung luha ko noon.

“Don’t tell me you…” Hindi makapaniwalang sabi ni Dad.

Yes, Dad!! I love DAVE! I REALLY DO! Sa lahat ng mga ginawa, binili or hi-nire niyo para sa akin, siya yung pinaka-gusto ko! Kasi siya lang yung nag-pasaya sa akin ng totoo, more than anything else! Dad.. Mahal ko siya! He’s the only reason why I’m still living in this PRISON!!”




And for the first time, napagbuhatan ako ng kamay ni Daddy.


“Sa sinabi mong ‘yan, mas lalo mo lang akong binigyan ng dahilan para ilayo ka sa kanya. Audrey, alam mo naman kung ano ang responsibilidad mo sa pamilyang ‘to, di ba? Mabuti sana kung may kapatid ka!!”
No, Dad! Mabuti na yung nagi-isa lang ako! I don’t want my younger siblings to experience such nightmare!! Feeling ko.. Feeling ko puppet niyo lang ako!! Dad.. Tao po ako.. I have my rights.. I need my freedom..” Napa-luhod na ako.

Hindi ako sanay nang lumalaban sa magulang ko eh.. Mahina ako..




“Audrey, I’m really sorry. But trust me.. Lahat ng ginagawa namin ng Mommy mo.. Para sa’yo.. One day, you’ll realize it.”


The day after my birthday, is the day when my heart died.


***

Urgent meeting at 7PM tonight, Miss Audrey.” My secretary reminded me.



“Ah, yes. Thank you.”


Napaka-hectic talaga kapag holiday season na. Bukod sa maraming employees na nagle-leave, sunod-sunod din ang concerns na dumadating galing sa clients.

Minamasahe ko yung ulo ko nung tumawag si Daddy. It’s been a year since he retired, at sa akin na napunta lahat ng business nila ni Mommy. How tiriing could that get, huh?




“Hi Dad. How have you been?”

“Fine, my Dear. And, don’t forget about the meeting at 7PM, okay?”

“Dad, for the nth time, I WON’T!!” Natatawa na ako sa Dad ko. Kanina pa kasi niya pinapa-alala sa’kin na may meeting ako at 7PM. Daig niya pa yung secretary ko na twice lang binanggit sa akin yun. Well ganun naman talaga si Daddy. Perfectionist eh.

Kung ano man ang nangyari noon, It’s long been forgiven. Na-realize ko na, kung hindi niya ginawa yun.. Hindi rin ako magiging ganito ka-seuccessful ngayon. Oo, nanghihinayang ako pero.. Okay na yun!

Hindi na ako teenager para isipin pa ang mga ganoong bagay.

On the way na kami sa hotel na pagme-meetingan namin. Ang alam ko lang tungkol doon ay may isang company na willing makipag-merge sa amin, since we’re on the same field. Successful din naman daw yung company na yun sa dito sa Pilipinas at sa ibang Asian countries.




“Ma’am, mauna na raw po tayo sa function hall. Medyo male-late daw po kasi ang CEO nila.” Bulong sa akin ng secretary ko.

Oh, how professional. Ako halos marindi na sa kakapaalala nila sa akin na huwag male-late sa metting na ‘to, then they would be like this? Man, this is so. UGH.


Dumiretso na lang kami sa function hall.



“Hey.. Don’t you think it’s too dark here? Sigurado ka bang dito yung meeting, Francine?” Tanong ko sa secretary ko, Too bad, kahit siya hindi ko makita.


“Francine? Hey? Don’t pull a prank at this kind of situation, I’m already PISSED!” Napataas na rin yung boses ko noon. Nakaka-inis naman kasi e.

“Hanggang ngayon pala, pikon ka pa rin.”

Natigilan ako nung marinig ko ‘yun.. The voice.. The tone.. The smell.. All familiar.




“S-Sino ka?” Tinanong ko kahit na may idea ako kung sino siya.

Ow. Naging CEO ka lang, naka-limot ka na? Bakit hindi mo ako gayahin?” That moment, the lights turned on, and I saw HIM. Smirking at me.




“DAVE?!” Ngumiti lang siya.

Siya.. Siya nga!



“Teka.. Anong.. Anong ginagawa mo rito? You shouldn’t be here.. May meeting kami rito..” How rude. Pero para bang.. Ayokong umalis siya.

Could it be that.. May feelings pa rin ako para sa kanya.. Yun ba yung rason kaya.. Hindi ako nakapag-boyfriend kahit isa after niyang mawala?




“Whoa, Ms. Roxas. Don’t speak to me like that. I might cancel our meeting.” Then he winked.


“IKAW ANG KA-MEET KO?????!”

“Yup. The one and only. And I should say, that we have several agendas for tonight.”

“O-oh. I’m sorry. Okay.. Let’s start the meeting.”




Pinilit kong i-compose ang sarili ko kahit sobrang na-distract ako sa nalaman ko.. So.. Nagpatuloy pala siya ng pag-aaral.. Paano? Kelan? Saan? Ugh!


“Hindi mo talaga gets, ano?” Sabi niya, habang nakapamewang.

“Huh?”


He giggled. That made my heart… melt?


“10 years ago, sa isang malaking party, pinilit kong manghimasok.” Lumapit siya sa akin at pinaupo niya ako. Umupo siya sa tapat ko. “Nagpumilit ako kaya lalong nagalit ang parents mo. I really wanted to talk to you.. Kinabukasan kasi noon, papunta na akong Germany.. Naka-tanggap ako ng email galing sa isang ‘Trina Romualdez’, saying that she’s my aunt, and she wanted to help. Kilala niya nga ang tatay ko. Nagsend pa siya ng documents for further confirmation. Byuda siya, at namatay na rin ang asawa niya. She’s afraid she might not leave longer na rin. Handa niyang ipamana ang business niya sa akin. Hindi ko kayang i-take down ang offer dahil na rin sa Lolo at Lola ko.. Kaya sumama ako. And nung birthday mo.. Gusto ko sanang sabihin sa’yo lahat ng gusto kong sabihin.. Pero kahit noon.. Hindi pa rin kita maabot. Kaya eto. Nagpaka-buti ako.. Feeling ko kasi.. Sa bawat progress na nagagawa ko sa business world, kahit na napakalayo ng Pilipinas sa Germany.. Naaabot na kita..”


Nagka-tinginan kami. Ni hindi ko napansin na umi-iyak na pala ako. Sobrang tagal kong nagpaka-bato..


“Pinangako ko sa Daddy mo na babalik ako.. Babalik ako, as a successful.. and worthy man. Para sa’yo. Unfair nga kasi ni hindi ko naman tinanong kung mahal mo rin ako. Malay ko ba kung pag-balik ko dito may asawa ka na di ba? Pero luckily.. I’ve heard.. Kagaya ko..You stayed single up to this point.” Sa huli niyang sentence, para bang ina-asar niya ako.


“W-wala pa nga! And so?” Pinilit kong itago ang ngiti ko.


“So.. Pwede ko bang.. Kuhanin ang title na yun?”

“What title?”


“You’re first.. and forever love.” Lumuhod siya sa harap ko at hinalikan ang kamay ko.


Akala ko.. Never ‘tong mangya-yari sa akin. Akala ko, wala na talaga. Pero.. Akala ko lang pala talaga. Kapag pala meant to be talaga ang dalawang tao.. Kahit gaano katagal pa silang magka-layo.. Sila pa rin talaga ang magkaka-sama sa huli. It’s really an AWESOME feeling. Para bang.. Naka-tali na kayo sa isa’t-isa?

Yung taling stretchable na kahit saan pa kayo mapunta, mahi-hila at mahi-hila pa rin kayo pa-balik sa isa’t-isa.



These are called LOVESTRINGS.


[end]
1   2   3   4


The database is protected by copyright ©sckool.org 2016
send message

    Main page