A compilation of short stories written by Kharu435 of Wattpad



Download 474,58 Kb.
Page2/4
Date conversion04.04.2017
Size474,58 Kb.
1   2   3   4
Part I

I’m Gabrielle. Gabby for short.


Normal na Senior Student na may normal na buhay.

I laugh, cry, read and talk a lot.


Buo ang katawan, may buhok, mga mata, tenga, ilong, kamay, paa at internal organs.

May IISANG puso.


In fact, I just had it broken by someone who made me believe that he loves me and that he cares for me.


He’s too stupid. Dumb. Jerk.

Time passed. I moved on. Nag-mahal ako ulit.


Tapos ano? Niloko lang ako. Sinaktan na naman ako. Naa-awa na ako sa sarili ko..

Back to what I’m saying, iisang lang ang puso ko.


I can’t afford to have it broken several times.. I don’t have any replacements.

Ganun na lang ba ka-simple yun? Basta na lang mawawala kahit mahaba ang pinag-samahan?

JL Rodriguez. Long time crush ko siya. Churchmate ko at ka-MU siguro? He seldom talks about it.


Isang araw, naramdaman ko na lang na nawawala yung bond sa’ming dalawa.


Nakaka-inis tapos masakit.

Nakaka-inis kasi hindi ko alam kung anong problema niya.


Masakit kasi kahit hindi niya sabihin, naco-conclude ko na ’yung dahilan.

Gabby! Kumusta na yung preparations para sa program next week?” Tanong ni Shai, close friend ko. Churchmate ko rin.



”Okay na! Ako pa!”

”Good! Nga pala, hiningi ni Don ang number mo. Sige, Bye!!”



Si Don yung pinsan ni Shai. Hindi ko naman siya churchmate pero nasa Sister church namin siya, kaya nakaka-sama ko rin siya sa programs.


”Hi Gabby, Don ’to. :D” And speaking of, nag-text na siya.
Oh. Hello! Bat mo knuha number ko?” I replied.
Wala. Masama ba?”

“Hindi. Oh, kumusta na si Sarah?” Dun tayo sa interesting topic. Textmate pala ha.

Si Sarah yung ka-MU niya. Imagine, grade 6 pala si Sarah. Third year HS naman si Don. Astig nga eh.

”Hindi ko nga alam eh. Parang ang labo na.”
”Haaa?? Bakit naman?”

Basta. Prang nawawala yung feelings.”

Ganun ang topic namin, hanggang sa lumayo na yung usapan namin. Ang sarap niya pala ka-text. Para sa isang Broken-Hearted na katulad ko, napaka-laking tulong nito. Ang sweet niya.. Crush ko na yata siya. Gravity!!


”Hoy Gabby! Ikaw ha, anong meron sa inyo ni Don?” Tanong ni Shai.

”HAAAA? Mag-katext!!?”
Naku!! Ikaw ha, binabalaan kita. May Sarah na yan! ’Pag ikaw na-fall! Bahala ka diyan!!” Si Shai talaga..
Tuloy lang ang texts namin. Dumaan sa puntong nag-I Love you siya sa’kin. Hindi ko alam kung dapat ko bang seryosohin yun.

But I did.

Isang araw, nag-text siya.
Gabby.. Ano bang ginagawa natin?” Huh?

Nagte-text?” Kahit alam kong higit naman dun ang ginagawa namin.

Gabby.. Tama na... :(” That strucked me.
Ano bang sinasabi mo?”
“Itigil na natin.. Kahit naman ganun si Sarah, mahal ko yun..
Sorry Gabby..”

”Ah, Okay.” Was all I could reply. Grabe. Ang bigat sa dibdib!!


Tinetext niya ako kung okay daw ba ako or kung galit ako. Ano ‘to, lokohan??


Sabagay. Lokohan naman talaga.

Buong gabi, iniyakan ko yun. Grabe, naloko ako. Nasaktan na naman ako. Kakarmahin din siya!!

At grabe, ang t*nga ko.


Pumatol ako.




”Ikaw naman kasi!! Binalaan na kita, nakipag-harutan ka pa rin!! Nakaka-inis! Tapos ngayon iiyak-iyak ka? Grrrr!!” Pinapagalitan ako ni Shai.

”Eh S-Sorry naman! Magaling man-landi ang pinsan mo!”

”Tsk. Naku, ’yan si Don? ’Wag na ’wag mo nang lalapitan yan!!”

At marami pang kasunod. Si Shai, malala pa sa nanay ko oh.

Yun nga ang ginawa ko. Alam ko naman na kumpara sa feelings ko kay JL, mas mababaw yung feelings ko kay Don.. Pero mas nasasaktan ako ngayon.


Siguro kasi this time, natapakan na nga yung puso ko.. Sinama pa pati pride ko.

Ang engot ko kasi. Hindi na talaga mauulit yun!!

[Part II.]


Iniwasan ko sya. Bitter na kung bitter.

Kinakausap niya ako, tinetext, pero hindi ko pinapansin. Hinihingi nga ulit ang number ko kay Shai, pero hindi ako ilalaglag ni Shai.


Pauwi na ako ngayon. Binibilisan ko kasi schoolmate ko si Don. Ang galing. Grabe.


Maya-maya, tinawag na nga niya ako. Binilisan ko pa lalo, pero nahawakan niya kaagad ako.

”Gabby, usap tayo.. Galit ka ba?” Nag-init ang dugo ko.
Ano ba sa tingin mo ha? Niloko mo ako, Nilandi, hinarot?? Tapos gusto mong kausapin kita? HAA?!!”

”Gabby, please naman..”

”Iwan mo ’ko.” Ang kuliiiit! Ayaw bumitaw!

”Pare.. Bitiwan mo na.” O_O S-si... Si JL..

Nag-tinginan sila.. Matagal. Tapos maya-maya, umalis na si Don. AWKWARD.




”S-Salamat.” He just smiled. Wow. Bigla na lang siyang sumulpot ah.

”Tara. Hatid na kita.”



Inaamin ko naman na na-miss ko siya, pero nai-inis pa rin ako sa kanya. Matapos niyang mang-iwan sa ere, ganito lang?!

Walang imik na inihatid niya ako, nagsabi na na-miss niya ako pag-dating sa gate ng bahay namin tapos umalis na.

Naguguluhan na ako sa dapat kong isipin.

Dumaan ang mga araw, linggo.. Bumabalik na kami ni JL sa dati. Somehow, I learned to forgive Don.

Mukhang nahuhulog na naman ako sa lalaking unang nanakit sa’kin. Tama ba ’to? Lord, baka nagpapa-loko na naman ako?


”Ako na dyan. Pagod ka na oh. Upo ka muna dun.” Tinulak ako ni Juan papunta s upuan.

Na-touch ako dun. Ako lang kasi ang namimigay ng pag-kain sa guests sa event ngayon. Sobrang nakaka-pagod.

Months after, bumalik na talaga kami sa dati ni JL. Nagka-aminan and such.. Okay na.

Naa-awa nga lang ako kay Don. Hindi na sila nagka-ayos ni Sarah. Nung panahong nilalandi ako ni Don, naka-hanap ng iba si Sarah. Ang bata pa nga niya eh, pero ganun na kaagad. Si Don naman kasi eh. Hay. Mga batang yun oh.

Namamasyal kami ni JL sa garden sa likod ng church namin. Dito kami palagi tumatambay. Naupo kami sa bench.. Pina-panood yung mga bata.
JL, ba’t nawala ka nun, tapos biglang bumalik ulit?”

”Ayaw mo?”

”Eeeeh! Bakit nga?”

”Basta.. naramdaman ko na kailangan ko munang lumayo sa’yo.. To test you.. To test myself. Tapos, hindi ko na natiis Hehe..” Napa-kamot siya sa batok niya. Cute.


Nag-enjoy kami boung araw. Nag-laro, kumain, nag-kwentuhan. I do thank God for letting me meet him. Kahit nasaktan ako.. Worth it yun.

Nag-habulan naman kami. Ang kulit haha!!


Maya-maya, bumagal siya.. Tapos napa-tigil at napa-luhod na. Tumakbo ako pabalik sa kanya.



”Uy! Hala, okay ka lang?” Hinihingal siya, parang hirap huminga. Hawak pa niya dibdib niya.

”Huy!! ’Wag ka namang manakot!!”
”W-wala ’to. Umaarte lang. Galing ko no? HAHAHA. Mukha mo!!”

”Walangya ka!” Binatukan ko siya. Natakot ako!



”Sige, taguan naman tayo.. Ikaw taya” He whispered. Umubob ako. “Bilang ka ng 100 ah. Hirap mag-tago. Nga pala, mahal kita.” Tapos tumakbo na siya. Takteng kilig ‘yan. HAHA.
”Ninety-nine... One-Hundred!! Humanda ka!!! HAHAHA!!” Ang lamig ng simoy ng hangin ah.

Nag-simula na akong mag-hanap. Ang galing naman niya!! Hindi ko makita eh maliit lang naman ’tong garden! At ang usapan bawal sa church!


After five minutes, nakia ko siya sa may pond. WOOOW. Sarap ng higa nung mokong oh. Hawak pa niya yung cellphone niya sa dibdib niya.


“HULI KA!! Haha! Siya, tayo na diyan!! Libre mo ‘kong ice cream!!” He didn’t answer. Nakuu. Nagtulug-tulugan pa.
“Hooooy!! Madaya ka!! Gising na kasi!!” Hindi pa rin siya sumagot.. Oh, Lord.. Baka naman..

Nilapt ko sa ilong niya ang tenga ko, wala akong naramdaman. Ah! Baka nagpi-pigil lang!!


I checked his pulse, hoping to feel it beating.


But it didn’t



”JL? JL!!! Wake up!! Ano bang nang-yayari sayo? Bumangon ka nga dyan!!!”

Napa-iyak na ako. He is.. lifeless.

Kinuh ko yung cellphone niya. Naka-open yun sa sound recorder.. May naka-save na file.. Three minutes ago.

Hey Gab! Uhmm. Nasa pond ako. Dito tayo naging close eh. Uhhh, Sorry sa lahat. Kung lumayo ako bigla. Natakot ako na masaktan ka lang at umiyak ka kapag nalaman mo na may sakit ako.. Heart disease.. One attack could cost my life.. Anytime, kukunin na ako ni Lord. Sorry talaga, Gab..” Napa-tigil siya. Narinig ko yung pag-higa niya sa damuhan.. Yung pag-ubo niya at yung hirap niyang pag-hinga.. It hurts.. so much.. “Sheeet lang. Angs-sakit sa dibdib Gab.. Hindi na ako m-makahinga.. The Lord is taking me now.. Ang tagal mo mag-bilang.. Basta, Gab.. I love you. Wala man ako physically, but still I promise to be with you forever.. Bye, Gabrielle.” After a few frantic breaths and coughs.. He pressed the stop button.


Napa-pikit ako.

Lord… Bakit naman Po ganito..

Napa-iyak ako ng malakas..


This was the hardest Hide and Seek I have ever played.

‘Cause I know, I will never be able to find him again.
***

Ang lungkot naman pala ng love story ni Tita Gab..” I told Mom while I was watching Tita Gab, still beautiful at her 50s, sitting by the pond.

Araw-araw nandun siya. Sabi nila, hindi raw matanggap ni Tita Gab yung pagka-wala ni Tito JL, her long lost love. Nagka-mental breakdown siya. Lagi niyang sinasabi na hinihintay niyang lumabas sa taguan si Tito JL. Nung mga nakaraang araw, paulit-ulit niyang sinasabi na ’malapit na’..

Ate ni Daddy si Tita Gab. 17 years old na ako. Imagine? Naaawa na nga ako eh.



“Oo, anak. But believe me, their story was one of the greatest, and it’s never ending. It’s true love.” Dad answered.

Umupo ako sa tabi ni Tita Gab. I held her hand. Napa-pikit siya.




”JL..” She smiled. Then she fell asleep.. Into a very peaceful slumber.

Nung mga oras na ‘yun, alam kong mag-kasama na sila ni Tito JL.


Story No. 7

Catch me, Please

[1]

So ano? Pwede ka?”

Sure babe! Ikaw pa..” The guy held the girl’s hand.

I love you!”

I love you, too!”

Great. Just great.
Kailangan talaga sa harap ko magla-lampungan? PDA >__<

Sila na, sila na ang may lovelife. Ugh. I sound so bitter. Screw me T___T

I’m Angel Valguna. 15. Senior student. Pretty (sabi nila), Nice (Talaga!), Friendly at Hindi pa nagkaka-boyfriend. Well yeah, may mga nanli-ligaw pero anong magagawa ko? Yung taong gusto ko, hindi naman ako napa-pansin. Ano nga bang laban ko sa mga babae sa campus? Napaka-plain ko lang.

Paano ba naman? Sikat na kasi siya sa school! Kahit transferee lang siya, sumikat siya dahil sa mga competitions na nasalihan niya. And knowing the girls in our campus, nagla-laway na sila sa mukha pa lang ni Rui.


And one more thing, may stalker pa ako. Hindi naman sa pagma-mayabang. Kasi hindi naman talaga dapat ipag-mayabang. Mabuti sana kung kasing good-looking nung crush ko yung stalker ko di ba?


Hindi naman siya yung stalker na parang hanggang pag-uwi ko sinusundan pa rin ako. Mild lang? Yung, text ng text kahit palagi kong sinasabi na tumigil na siya. Kinikilabutan na nga ako eh. Kapag dadaan ako, palagi niya akong tatawagin o kaya tititigan. Alam niyo yung feeling? Napaka-uneasy kaya as much as possible iniiwasan ko siya. I don’t want to be rude on him, kahit paano naging kaibigan ko rin siya dati.

At kapag sinu-swerte ka nga naman, mukhang makaka-sabay ko siya papasok sa campus. Recess lang kasi. Patay na!! He’s looking this way now!!

Umiwas ako ng tingin at nag-madali sa pag-pasok. Naku. Mawawala kaagad yung kinain ko. Tsk! Kailangan kong tumakbo!


Nag-madali akong pumasok sa gate, pero syempre nakita niya ako.




”Angel! Angel! Psst!” Nase-sense kong tumatakbo na rin siya ngayon. What the fish?! Naku naman! Anong gagawin ko? Hindi ako titigilan nito!!

Lumingon ako sa paligid ko.. One person caught my attention.


Si Rui… Taga-kabilang section lang siya.. Siguro naman kilala niya ako kahit by face lang.




”Uhmmm.. Rui Canzares!” Lumingon siya. Shocks. He’s awesome-looking!
Kinapalan ko na ang mukha ko at hinawakan ang braso niya. Tiningnan ko siya na parang nagma-makaawa, hoping he’ll get what I want to say.

Fortunately, hindi siya umimik. Silence means yes, di ba?

Nakaka-ilang hakbang na kami. Nakaka-ilang naman! Tinitingnan ako ng ibang babae sa school. Naka-hawak kasi ako sa kanya! EH sa wala na akong maisip eh! Siguro naman lalayuan na ako ng stalker ko..


”Angel ano ba! Hindi ka na naman namamansin!” Oh great.

”Oh! Andyan ka pala! Sorry, you see, I’m with my.. uhmm.. s-suitor.. Yeah.” I looked at Rui, desperately.

Tumango lang siya, mukhang hindi interesado. (_’_)




“HAH! Maniwala, eh ngayon ko nga lang kayo nakitang mag-kasama! Kahapon hindi kayo nag-pansinan!” Hanep na stalker!

Eh paki mo ba? Kung manliligaw ko man siya o hindi, wala ka nang paki-alam!”

Meron. Kasi kung wala kang boyfriend, hindi pa rin ako susuko sayo.” Nag-smirk siya. Ugh! Stop. It doesn’t look that good on you!! SERIOUSLY.

Nai-iyak na ako. Kasi kung ganito nga naman ang kini-kilos ng ”suitor” kuno ko, sino nga ba namang maniniwala? Mukha lang akong t*nga dito :[[



”See? Ni hindi nga kayo maka-sagot. Sumama ka na lang sa’kin... Ili-libre kita.” Kesa kiligin at matuwa ako sa sinabi niya, lalo lang akong kinilabutan. Unconsciously, napapahigpit na pala ang hawak ko kay Rui.

”Tigilan mo nga si Angel.”


Nagulat ako sa sinabi niya. A-alam niya pala pangalan ko??


”Bakit? Hindi pa naman kayo ah? Maging patas ka nga. Mas nauna ako sa kanya.”

”Yun na nga eh. Mas nauna ka sa kanya, ako this week lang. Tapos mas gusto na niya ako. Got the point? Back off.” Ang cool O__O In fairness, feeling ko ang haba ng buhok ko..


“Aba’t!! Wag mo nga akong ma-back off-back off! Wala ka pa sa lugar kasi manliligaw ka lang din niya!!”

”Wag mo nga akong itulad sa’yo. Yan lang ba problema mo?” Tumingin siya sa’kin.


“Then Angel, can you be my girlfriend?” Mabilis niyang sinabi na parang wala lang. Walang feelings pero the sentence itself, it strucked me. BIG TIME. At unconsciously ulit, napa-tango na lang ako.


“Good. Now, kami na. So back off,” Hinawakan niya yung kamay ko tapos hinila na ako papunta sa building. Naiwan si stalker na naka-nganga. Pati ako, napa-nganga rin.

I think pulang-pula na ako ngayon. Though walang feelings yun, atleast! Para talagang nililigawan niya ako! Kami na nga kaya? Ugh! Ambisyosa! Of course he’s only doing me a favor..




”Uhmm. Thanks Rui..” He nodded, expressionless. “Hindi ko alam na kilala mo pala ako.” Sabi ko, pinipigil ang kilig.


“Ah. Nakita ko sa ID mo yung pangalan mo.” Tapos pumunta na siya sa classroom nila.

Sabi ko nga, sa ID niya lang nakita eh. Amp.




[2]

Aaaaah!! Ano beyh! Kinikilig na nga ako ng sobra eh!!” Kinuwento ko kaagad sa bestfriend kong si L ang balita.

”Tss! Wag ambisyosa sis! Naging mabait lang siya no. Haha!” Hmp! Palibhasa crush niya rin si Rui.

”Pero, malaki talaga ang nai-tulong niya sa’kin. Tingnan mo nga! Ni isang text, wala nang sinend yung stalker na yun! Ahright!! I’m freeeeeeeeeee! Haha! Kailangan ko talagang maka-bawi sa kanya!”

”Eh anong plano mo?”

”Hmm.. Pag-iisipan ko pa. Dapat yung maa-appreciate niya.”

”Okaaaay. Good luck na lang..”

Ano nga bang pwede? Itext siya? Wala naman akong number niya.. Regaluhan siya? Eh! Mahahalatang patay na patay ako sa kanya. Bisitahin na lang kaya siya sa room nila para mag-thank you ng personal? Wala rin akong budget pambili ng gift. Sige! Yun na lang, atleast nag-effort ako na personal na magpasalamat.


So nung lunch break nga, nagpa-sama ako kay L para pumunta sa room nina Rui. Nakaka-ilang lang, since ang sabi nila, iba raw ang ugali ng mga taga-section 1. Well, so Rui naman ang kailangan ko eh.


Dumungaw ako sa bintana ng room nila. Nakita ko siyang naka-ubob sa desk niya. Hmm, gigisingin ko ba? Well, may plan B naman ako. May dala akong sulat, pwedeng iwan ko yun sa desk niya.

Huminga ako nang malalim tapos nag-lakad palapit sa pinto.

Papasok na ako kaso hinarang ako nung isang babae. Classmate niya.



Hey! Siya yung kaninang lunchbreak ’di ba?” Sabi sa kanya nung katabi niyang babae.

”Yeah. One of the flirty b*tches.” Masama ang tingin niya sa’kin.

At ano raw? Flirty b*tch? Kelan pa? Kung akala nila na dahil taga-section 1 sila eh uurungan ko sila, hah! In their faces.



”Teka nga, ano bang problema niyo?” Sabi ko.

”Sabihin mo kapag susugod ka na ha.” Bulong ni L.

”Ikaw! You’re flirting with Rui!” They shouted in unison.

Ako????

Teka, baka yung nangyari kanina? Talagang umabot na dito yung issue? Oh my. Naka-gawa ako ng skandalo!

“I-I’m not!!”

“Anong hindi, eh para kang tuko kung maka-kapit!” Tinutulak na nila ako at mukhang ready na silang sabunutan ako. Syempre, kami rin ni L!

Pero bago pa kami magka-lapit, lumabas si Rui at nasa gitna namin siya.



”Don’t you dare mess up with my girlfriend.” Then he pulled me out of the crowd.

[3]

OMGOMGOMGOMGOMGOMGOMG.

Never kong inisip na gagawin niya yun!! He saved me, AGAIN!!

”Dumadami ang utang mo sa’kin.” Sabi niya, gamit pa rin ang cool, emotionless tone niya.

“Oo nga eh.. I don’t know how to thank you.”

“I want to sleep.” Nasa ilalim kami ng puno at nakaka-antok talaga yung hangin.

Wait!! Magc-cut ka? Magta-time na!”

“Magc-cut. TAYO.” Then he placed his head over my lap. SLAP ME PLEASE. I MUST BE DREAMING.

Tiningnan ko lang siya habang natutulog siya. DANG HOT. Ngayon ko lang siya natitigan nang malapitan, matagalan. Shocks. Mas lalo akong nafo-fall..

Pero mahirap namang maniwala sa isang bagay na hindi kapani-paniwala..

Mga 45 minutes din siyang naka-tulog. Ang cute niya mag-inat. ^__^




”Sige, bayad ka na. Balik ka na sa classroom niyo.” Tapos iniwan na niya ako. Bayad na.. ako?

Pagka-balik ko sa classroom, napa-galitan ako kasi late ako.

Pero dahil lipad ang isip ko, wala rin akong naintindihan sa sermon ng teacher namin.

Hay Rui.

Mas lalo akong nahuhulog sa’yo nyan eh..


[3]

Dumaan ang ilang linggo at mas naging close pa kami ni Rui. Tuloy lang ang pagpapanggap namin kapag nandyan ang stalker ko. Pero dahil dun, mas nahulog ako sa kanya.

Mabait lang siya sakin kasi Kaibigan niya ako.

Mas mabuti pa yata nung hindi pa kami close eh, nung hindi niya ako pinapansin..”


Kasi noon, alam ko kung saan ako lulugar. Alam ko na hanggang tingin na lang ako at imposibleng magkaroon ng ”KAMI”.

Noon, mabigo man ako, hindi masyadong masakit.. Kasi wala naman kaming pinagsamahan. Mas madaling makalimot.

Eh ngayon, malapit lang siya.. Palagi akong umaasa.. Hindi ako maka-bitaw.

Ang masama pa, nasasaktan na niya ako, hindi pa niya alam..

Dun ko na-realize na dapat lumayo ako.


Dumistansya ako, umiwas. Ayoko nang ituloy! Baka mas masaktan ako.. Bahala na, hindi na rin naman nakikialam yung stalker ko. Kaya ko na. Kailangan kayanin ko nang wala siya.


Padaan ako sa classroom nila. Okay, chin up Angel. Wag kang lilingon sa room nila. Tumakbo ka kapag hahabulin ka ulit niya.


Asa naman ako na hahabulin niya ako, kasi ngayon, mukhang busy na siya.


EH bakit ba ako nage-expect na hahabulin niya ulit ako? Nagsawa na siguro.

Nakakainis! Natutuwa pa ako sa thought na gusto niya akong kausapin.

Ano bang magagawa ko? Eh mahal ko sya?


Tumakbo na ako. Ayoko siyang makita na may kasamang ibang babae. Engot ko!


Nagi-iyak ako sa ilalim ng puno.. Yung puno kung saan nag-simula lahat.


Dun ako nag-simulang mahulog, at ngayon nandito ako.


Nahuhulog pa rin. Wala na yatang katapusan yung bangin na tinalunan ko eh.



”Bakit mo kasi nilalayo ang sarili mo sakin. Nasasaktan ka naman pala.” Nagulat ako nung sumulpot siya sa tabi ko.

”Yabang mo. Kapag umiiyak ako, dahil sayo agad?!” Tumawa lang siya nang mahina. Manhid.

”Alam mo, ang pag-ibig parang pag-hinga.” Sabi niya habang umuunan sa hita ko. Yung posisyon niya.. noon.

Gusto kong alisin ang hita ko pero huli na.




”Ano na namang sinasabi mo? Umalis ka nga diyan! Male-late na akO!” Hindi siya gumalaw kahit na pumipiglas ako.

”Edi mag-cut ka ulit. Kung umarte ka kala mo hindi ka pa nakakapag-cut.” Napaka-ignorante talaga!

”So, katulad nga ng sinabi ko, Ang pag-ibig parang pag-hinga..” Tumigil siya at tumitig sa’kin.

”Mag-react ka naman!!!” Sinigawan niya ako. So yun pala yun. Gusto kong tumawa pero…

Wag na.


“Bakit!! Ugh.” Sabi ko.


“Bakit mo titigilan kung alam mong ikamamatay mo?” Natahimik ako, nagka-titigan kami. Halu-halo ang naiisip ko.

Ayaw niyang itigil ko yung nararamdaman ko para sa kanya? Bakti naman?


And even before I could think of it, the words came rushing out of my mouth.. Unconsciuosly.



“Rui, please be my boyfriend..” I pleaded. OMG. STUPIIIID!

Napa-takip ako ng bibig.


Tumayo siya.. Okay, eto na. Iiwan na niya ako. Nang hindi man lang sinasalo.


Five minutes, hindi pa siya umaalis.

Tumitig siya sa’kin.. May meaning eh.. Pero hindi ko mabasa..

Then he smiled..



“Stupid. Matagal mo na akong boyfriend.”


[END]

Story No. 8

Shutting me up is his hobby.

Oo na, Oo na. Pati sa title, pinapa-mukha pa rin sa’kin.


Araw-araw, o sa kahit anong attempt ko na kausapin siya, ”Shut up!” na malutong lang ang isasagot niya.

Can’t understand him. He said he sees me as a nerd. Kasalanan ko bang masipag ako? Tsaka malalim lang talaga ang vocabulary ko! Siya pa lang kaya ang nagsasabi nun sa’kin!

Hoy, Peram notebook. Kokopya ako ng assignment.” Bigla niyang kinuha yung Physics notebook ko. Sanayan lang naman ‘to. Masaya na nga ako kasi nakaka-tulong ako sa kanya, tapos nahahawakan niya pa ang notebook ko. Hihi.
Ah, gusto mong i-turo ko sa’yo yung---”

“Shut up.” Sabi ko nga eh.

Bakit ganun? Everyong has the right to speak and voice out their thoughts. Tutulungan ko na nga siya eh!


Nung matapos na siya, umalis na siya sa tabi ko. Ganito na lang ba yun? Taga-supply niya lang ako ng knowledge?


Normal lang yung araw na yun. May magk-klase, then sasagot ako sa recitations at magvo-volunteer na magpa-kita ng solutions sa board at kapag mage-explain na ako, sisigaw na naman ng ”Shut up!” si Oliver.

Kung ’di ko lang ’to labs. =__=

Okay, take your seat Elle. And Oliver!! Have some manners!”
Yeah. And have some feelings, too. T___T

Ini-isip ko nga, martyr nab a ako? My brain just won’t stop processing thoughts and images of him. Nagma-malfunction na yata. Hay.. My head hurts!

*beep-beep*
1 message received

1   2   3   4


The database is protected by copyright ©sckool.org 2016
send message

    Main page