A compilation of short stories written by Kharu435 of Wattpad



Download 474,58 Kb.
Page1/4
Date conversion04.04.2017
Size474,58 Kb.
  1   2   3   4
One-Shot Stories

(A compilation of short stories written by Kharu435 of Wattpad)


All Rights Reserved. No part of this story should be changed or tampered without the author’s consent. Please do not claim as your own story. All parts of this story are fictional. Note that the names of the characters, time, place and events are story bound. Thank you. ^_______^



kharu435@yahoo.com l wattpad.com l ©2012

Story No. 1

Love is Magic, Indeed
Magkaibigan.

Ganyan tayong dalawa.

"Best Friends" pa nga diba?

Palagi tayong masaya, palagi tayong magkasama..

Pag-pasok, pag-uwi, pag lunch time, free time.. minsan nga kahit weekends pa..

Yan ang bestfriends!! Hindi nag-iiwanan.. Best Friends Forever kaya tayo!!!

Pero, noon lang pala yun.

Noong bago ko naramdaman 'tong kakaibang pakiramdam na 'to.

Alam ko, hindi na lang bestfriend ang turing ko sayo..

Mahal na yata kita eh. :(

Masisisi mo ba 'ko? Sabi nga nila perfect catch ka na raw eh.

Tapos ako pa na araw-araw mong kasama, hindi mai-inlove sa'yo?

Ilang taon ko ring inalagaan ang pagka-kaibigan natin.

Natatakot akong masira ko yun.

Ayokong layuan mo 'ko.
Ayokong iwasan mo 'ko.

Ayos lang kahit nasasaktan ako sa bawat sulyap ko sa'yo..

Alam ko namang hindi lalampas sa best friend ang turing mo sa'kin..

Ay, Pwede pala. ^__^

Bilang kapatid =((

Ayos na sa'kin yung hindi mo suklian ang pagmamahal ko..

'Wag mo lang kukunin sa'kin yung mga bagay na bumubuhay sa puso ko ngayon..

Sa puso ko na unti-unting nadudurog sa bawat ngiting pinapakita mo..

Yung bati mo sa'kin tuwing umaga..
Yung boses mo na nakakapagpa-talon sa puso ko..
Yung ngiti mong bumubuo sa araw ko..
Yung mga biro mo na kahit nakakainis na, napapakilig pa rin ako..
Yung mga jokes mo na kahit sobrang corny, napapangiti pa rin ako..

At higit sa lahat..

Yung presensya mo.

Basta alam kong nasa tabi kita, ayos na ako.

Martir ba? Ayoko lang talagang mawala siya sa'kin

Nakayanan ko naman.

Naitago ko lahat-lahat kahit araw-araw, parang sa isang maling galaw lang ng dila ko, mawawala lahat ng pinag-hirapan ko.

Kaso, isang araw..



"Pamsy Best friend!!!" Sabay ngiti niya sa'kin.

Nginitian ko rin siya, umaasa na balang araw, hindi na lang best friend ang kadugtong ng pangalan ko..



"Morning Dan.."

"May sasabihin sana ako eh.."

"A-ano yun?"

"Pwede ba dun sa tayong dalawa lang?"

Ano kayang sasabihin niya?



"Oh, ano na?"

"Uhh.. Ano kase.."

"Hmm??"

"Ikaw lang ang babaeng napalapit sa'kin ng ganito.. Alam mo yan.."

Ang lakas ng tibok ng puso ko..



"Kaya gusto kong sabihin to sa'yo, gusto kong ikaw ang unang maka-alam.."

Napa-ngiti ako..



"Liligawan ko na si Aileen.."

Sa oras na yon, gumuho ang mundo ko.

- - -

Katulad nga ng sinabi niya, niligawan niya si Aileen.



Maganda siya, bagay sila.

Masakit.


Pero masaya siya eh. Sobra. Kaya palalayain kita, kahit na in the first place, noon ka pa naman malaya.

Ginawa ko lahat para iwasan siya.. Hindi ako nagpupunta sa tambayan kahit alam kong araw-araw hinihintay niya ako doon.

Hahayaan kong maging masaya sila. Yun naman ang role ng mag-bestfriend diba? ANg pasayahin ang isa't-isa?

But in my case,

Siya lang ang masaya.

Ilang buwan na ang lumipas. Walang nagbago, mahal ko pa rin talaga siya.

Wala na akong balita sa kanya. Hindi nga niya ako hinahanap eh.

Baka sila na ni Aileen.

Ayoko nang masaktan. Ngayon ko lang na-realize yun.

Kung kelan patay na ang puso ko..

[ PROM DAY ]

Wala akong date. Required lang talaga sa amin ang pumunta dito... kahit na ayaw ko, kasi baka may makita akong kung ano, pumunta na rin ako.

Lahat ng mga kaibigan ko nagsasayaw na.. Habang ako, nandito sa table mag-isa.

Nakaisip ako ng solusyon.

Lumabas ako ng gym at nagpunta sa fields. Dito, walang love songs at walang love birds. Tahimik, stars lang ang kasama ko.

Maya-maya..



"PAMSY!! PAMSY! hAA!" Hingal na hingal si Kathy.

"Oh, anong meron Kathy?" Tumingin ako sa orasan.. 9:30 PM

"E-eto, para sayo, sa bag ko napalagay pero mukhang sayo. Ang layo naman kasi ng pinuntahan mo, mage-emo ka na nga lang! Geh!"

Tiningnan ko yung... Sulat??



"To the one with curly hair, wearing a tiara and a pink gown."

No doubt, sa'kin nga 'to.

Sa unang linya pa lang ng sulat, kumirot kaagad ang puso ko.

"Best Friend, I miss you.."

Nakakainis. Sobra. =((



"Galit ka ba sa'kin? Bakit mo 'ko iniiwasan? Hindi mo ba alam na nasasaktan ako sa ginagawa mo??"

Hindi mo ba alam na mas nasasaktan ako??



"Bigla-bigla ka na lang umiiwas ng walang pasabi kung bakit. Halos mabaliw na 'ko alam mo ba yun? Hindi mo man lang ako binigyan ng pagkakataong sabihin lahat sa'yo.."

Sinasabi nito?



"Hindi naging kami ni Aileen.."

So? Ano kailangan mo ng karamay?



"Kasi, hindi niya ako mahal.. At hindi ko rin naman siya mahal."

"Walang anumang namagitan sa'ming dalawa.. Lahat yun palabas lang.. Palabas na pinlano ko talaga para sa'yo.. But unfortunately, mukhang hindi gumana. Masaya ka talaga sa nangyari eh.. halos ipamigay mo na nga ako sa kanya.."

Napapangiti ako. Bwisit.



"Akala ko kasi, kapag ginawa ko yun.. Mapapansin mo ako.. Mapapa-amin kita. Kaso, TAKTE. Mas matatag ka pa yata sa'kin! Best friend nga lang ata talaga ang tingin mo sa'kin.. naperwisyo ko pa tuloy si Aileen. Bakit ba ang manhid mo ha Pamsy??"

Aba. Ako dapat ang nagsasabi niyan ah?!



"Hoy engot. Mahal kita! Hindi mo ba napapansin na palagi akong nagpa-pagwapo para sa'yo kahit alm kong sobrang gwapo ko na? Palagi akong nagpapa-cute sa pag-ngiti kahit hindi ko na kailangan yun? MAHAL KITA HIGIT PA SA BESTFRIEND!!"

FOR REAL?? O_________O



'P.S. pasensya na, torpe ang best friend mo. Mahal lang talaga kita kaya ayaw kong mawala ka sa'kin. Pero ngayon, hindi ko na kaya eh..
Kung willing ka pang bigyan ako ng chance, punta ka sa tambayan ng 9PM.
I'll be waiting for you no matter what, gaya ng lagi kong ginagawa. I love you."

Totoo ba 'to? As in??!!

All this time.. pareho lang pala kami??

Ay tangek!

9:45 PM na!!

Tumakbo ako, tinanggal ko na yung heels ko para hindi hassle. Late na 'ko!!

Nakarating ako by 9:50.

Nagulat ako sa nakita ko..

A table for two..
Yung flowers naka form ng heart..

It was perfect.. Except for one thing..

Walang Dan na nagpakita sa'kin..

Nung lumapit ako sa table, may nakita akong letter.



"Sabi ko na, hanggang best friends lang talaga tayo. Sorry for the corny letter."

Tumulo na lang yung luha ko.

This was all I've been dreaming of.

Tapos ano? Sinira ko lang?



"Nakakainis! Ikaw naman, Sabi mo you'll wait for me no matter what??!! Wat-watin ko mukha mo!!"

Ako napaka-raming patience ang binigay sa kanya.. Tapos siya, 50 mins. lang akong late hindi pa niya nahintay??

Nagulat na lang ako nang may biglang yumakap sa'kin galing sa likod..

"Kala mo iniwan kita? 'To naman walang tiwala sa'kin! I told you I'd wait for you no matter what, right? Tinetest ko lang kung mahal mo rin ako.."

Kung mahal mo 'RIN' ako.. Sarap pakinggan.. ^____^



"Bwisit!! Naka-kainis ka!!"

"Tsk. Common sense Pamsy, tngin mo maga-abala pa akong mag-iwan ng letter dito kung alam kong 'di ka pupunta? Syempre alam kong wala kang ligtas sa ka-gwapuhan ko kaya pupunta ka at mababasa mo yun. The perfect crime. Bwahahaha!! Iniiyakan mo pala ako ha? Uyyyyyyyyyyyyyy.. Hahah!!"

"Ah ganun? Pag-katapos ng lahat ng ginawa mo sa'kin, tatawanan at aasarin mo lang ako?"

"So? It's my way of showing you how much I love you. Matatpos na ang prom, could i be your first and last dance?"

"Sure thing"

Then we danced. Ngayon, hindi na lang one-sided ang lahat. Wala nang nasasaktan.

Ni minsan, hindi ko pinagsisihang minahal ko siya.

Love is Magic, Indeed.

Story No. 2

Glimpses of You


These are lines which never meet and never intersect.

That defines parallel lines. That defines US.

We always go the same way, the same direction.

But we never meet. We never crossed the boundaries.

Hindi yata tayo pwedeng mag-kasama.

Dadaan ka, titingin lang ako..


Lalampasan mo ako, susundan lang kita ng tingin ko.

Ang hirap mong maabot..

Kuntento na ako sa pag-titig sayo sa malayo.

Pam! Tingnan mo, nagla-laro sa labas ang soccer team!!” Napa-tayo ako. Sa tuwing naririnig ko kasi ang ’soccer team’, Nabubuhayan agad ako.


Asan? Asan?” Tanong ko kay Angel, bestfriend ko.
Halika sa bintana, dali!!” Hinila niya ako papunta sa bintana. Buti na nga lang naka-singit pa kami, halos lahat kasi ng kaklase kong babae naka-dungaw na.

Namangha na naman ako sa nakita ko.

Ang galing talaga ni no. 18 no? No wonder crush mo siya..”
Shhh!! Wag kang maingay baby!!” Baby ang tawagan namin ni Angel. Haha!
Wag maingay-Wag maingay ka jan. Eh siya na lang ata sa buong mundo ang hindi nakaka-alam na crush mo siya eh.”

Yun na nga eh. Madaming may alam, Oo. Pero siya? Mukhang hindi eh.

Oh baka naman alam niya, pero ayaw niya sa’kin.

Tahimik akong sinusundan ang bawat galaw niya habang nagla-laro.. Kahit yata patak ng pawis niya, nabibilang ko..

Sa ilang taon na nagdaan, Expert na ako sa pagtitig sa kanya. Di ko na kailangan ng magnifying glasses para makita ko yung maliliit na bagay tungkol sa kanya.
Saulado ko kung paano siya pumorma, yung posture niya at yung built ng katawan niya. Kahit naka-talikod siya at kahit gaano pa siya kalayo, kilala ko pa rin na siya yun.

Hindi ako stalker, okay?


Baby.. Baka matunaw siya niyan ha!”


Kung totoo ngang nakakatunaw ang pagtitig ko, dapat matagal na siyang natunawno.”
Nagtatawanan kami nang ibalik ko ang tingin ko sa fields..
Nakita kong naka-tingin din siya sa’kin. Lumingon pa ako sa mga kaklase ko para masigurado ko na sa akin nga siya naka-tingin.

Bumilis ang tibok ng puso ko..


*kurap* *kusot mata* *kurap*

Kinusot ko ang mata ko, kumurap din ako ng ilang beses.. Mga 10 secs ata yun. Baka kasi nama-malikmata lang ako. First time niyang tumingin sa akin!

Naka-ngiti kong iminulat ang mata ko, hoping na sa pag-mulat ko, makikita ko ulit siyang naka-tingin sa akin.

But instead, I saw an empty field.

Wala siya, wala ang team mates niya.


Mukhang guni-guni ko nga lang yun..


Nag-simula na ang klase. Iniisip ko talaga yung nakita ko kanina. Nakaka-praning pala talaga kapag tiningnan ka ng taong gusto mo!

Kahit sa imagination lang..

[ Breaktime ]

Baby, baba tayo.. Nagu-gutom ako eh..” Minsan lang kami bumaba ni Angel.. Nagba-baon naman kasi kami madalas.
Nagu-usap kami, paliko na kami sa kabilang building..

Baby anong bibi---” Hindi nai-tuloy ni Angel ang sasabihin niya kasi bigla ko siyang hinila sa pader bago pa siya maka-liko.

Aray masakit ha! Ano bang problema, bigla-bigla kang nanghi-hila??!” Inis na sabi ni Angel.
Si ano.. Si Keith dadaan” Tiningnan ako ni Angel.
Dadaan lang pala eh! Eh bakit kailangan mo pa mag-tago??”

Bakit nga ba ako nagta-tago? Nahihiya kasi ako sa kanya..

Eh bakit ako nahihiya? As if naman titingnan niya ako. Ako lang naman ang mahilig tumitig eh..

Eh.. Sorry.. Tara na..” Tumuloy na kami ni Angel sa cafeteria, bumili ng pagkain at umupo sa table.

Gosh.. Nandun din siya. Six tables away.

As usual, binubusog ko na naman ang sarili ko sa pagtitig sa kanya. Kahit wag na akong kumain, okay lang. XD

Ganun lang naman ang buhay ko araw-araw eh. Kuntento na sa iba’t-ibang ekspresyong nakikita ko sa mukha niya.

I feel happy everytime I see a different expression from him.

Parang unti-unti, nakikilala ko rin siya..

Yung Keith na masaya, malungkot, galit, pagod, gutom, napahiya, nalilito,at kahit tulog.

Baby, sure ka na hindi ka sasabay pauwi?” Labasan na, pinapa-una ko si Angel, may gagawin pa ako eh.
Nope. Madami akong gagawin sa library eh, baka gabihin ako.. Pwede naman akong mag-pasundo..”
Okay.. Ingat ka na lang ha? Text mo ko. Bye!”

Nagpunta na ako sa library. Ang dami kong ire-research!!

Homer… Iliad.. Odyssey..” Binubulong ko yung mga kailangan kong libro habang nagti-tingin sa bookshelves para hindi ko makalimutan.

Homer... Iliad.. Ody--- Ayun!!!” Sa wakas! Nakita ko rin!

Dalawang libro ang nakita ko kaya nung inalis ko, natumba yung ibang libro sa shelf. Mabait ako, kaya inayos ko. Ang kakapal nung libro kaya malaking space ang nabawas sa shelf.

Nung naayos ko na, nagulat ako sa nakita ko sa kabilang side ng shelf.


K-Keith?” Bulong ko.

Siya nga! Nagba-basa siya ng.. Twilight series??

Shocks.. Hindi ko na naman maigalaw ang paa ko.. I just can’t get enough of his sight.


Ito na yata ang pinaka-malapit na distansya na narating ng titig ko sa kanya.. Yung bookshelf lang ang pagitan namin!!


Anong gagawin ko? Magha-Hi? Hello? Kakausapin ko ba siya??

Nag-iisip ako ng gagawin nang bigla niyang isinara ang libro at mukhang ibabalik niya na sa shelf. O___O Makikita niya ako!!

Mabilis ang reflexes ko at yumuko kaagad ako para hindi niya ako makita.

Maya-maya, umalis na siya.

*sigh* another wasted opportunity. Mukhang kahit kelan, hindi ko na masasabi sa kanya ’to.


Nag-tuloy na ako sa pagbabasa ng mga libro.. gagawa pa ako ng book reports. Sana lang makapag-focus ako. Ang gwapo niya pala sa malapitan!!

Mga 7PM na ako naka-uwi.

Kumain lang ako, nag-shower at dumiretso sa kwarto.


Pero hindi pa ako natulog. Tinitigan ko muna yung stolen shots niya sa cellphone ko. Hah! Kumpleto yata ako! Hindi siya makakatakas sa mga titig ko kahit nasa bahay na ako.


Kinabukasan, nag-commute na ako papuntang school. Maaga pa naman eh.

Sumakay ako, medyo maluwag pa.

Bayad po..” Inabot ko ang bayad. Pinagpasa-pasahan yun ng mga pasahero, Nasa dulo kasi ako, sa may pintuan ng jeep. Favorite spot ko kasi ’to.


Tumigil ang jeep. Psh. Traffic. Buti pala inagahan ko.


Napa-tingin ako sa jeep na nasa likod namin.. Particularly, sa taong naka-upo dun sa tabi ng driver’s seat.

Naka-cap siya at naka-tungo. Pero alam kong siya yun.

Ang gandang view naman nito! Ganda ng start ng araw ko! Haha!


Maya-maya, tumingala na siya at tumingin sa unahan..

*gasp*

Nagulat ako, sumandal agad ako sa upuan at isiniksik ang sarili ko para hindi niya ako makita. Naman!! Bakit ba lagi na lang ganito!! Pinagti-tinginan tuloy ako ng mga tao.


Ganun ang posisyon ko hanggang sa makarating ako sa school. Aray. Nangalay ata ako sa posisyon ko kanina. Bakit kasi hindi umaalis sa likod ng jeep na sinasakyan ko yung jeep na sinasakyan niya.

Namitig yung paa ko, kaya pagbaba ko sa may gate halos matumba na ako.

Aray!!” Matutumba na sana talaga ako pero may humawak sa’kin.


Miss, okay ka lang? Nasaktan ka ba?” Tumingala ako, at nakita ko siya. O///////////O

A-ah? H-hindi ah!! Ang sarap nga eh—Eh Este!! Okay lang ako! Haha! Sige Thank you!!!” Nagta-takbo na ako papasok sa campus. Ano ba yung pinagsasa-sabi ko?? Nakaka-hiya!! Wa poise!!


Mabilis akong nakarating sa room. Hindi ako makaget-over sa nangyari. His voice is so manly! Mas malapit pa ang distansya namin kaysa kahapon!!


Ngiti ka dyan??”


Baby, ang gwapo niya pala sa malapitan..”
You mean, naka-usap mo??”
Oo!! Ang gwapo rin ng boses niya!!”
Oooooh? Lume-level up ka na sis!! Haha!”
Oo, kaso nakaka-hiya talaga yung pinagsasabi ko kanina..”

Kinuwento ko sa kanya ang nangyari, tinawanan niya lang ako. Ah basta! Masaya ako! Haha!!

Maganda talaga ang mood ko ngayong araw. As in!!

Baby, gala tayo mamaya, gusto mo?” Yaya ni Angel.


Hmm.. Kapag wala masyadong gagawin sige.”

Napansin kong parang hindi mapakali si Angel.

Angel, may problema?”
A-ah? Wala! Haha! Eh Pam, may tanong ako sa’yo.”
Ano yun?” Huminga siya ng malalim. Ano kayang meron?

Paano kung malaman mo na may girlfriend, nililigawan or may nagugustuhan nang iba si Keith?”


Napa-isip ako sa tanong niya. Paano nga kung magka-ganun?


I’ll accept my defeat, perhaps... Wala naman kasi siyang kasalanan eh, wala akong karapatang magalit kahit kanino..”


T-talaga?”
Oo, tsaka, hindi naman kai close eh! Hindi siguro ganun kasakit kung maha-heartbroken ako dahil sa kanya..”

Well, akala ko talaga hindi masakit.

Kasi Baby, tingnan mo yun..” Tinuro niya yung room ng section 3, katapat na room namin.
Nakita ko sa pintuan yung muse ng section 3..

May kayakap siyang lalaki.. Nakatalikod yung lalaki. Pagkatapos, nag-holding hands naman sila habang nagu-usap.

I even saw her kiss the guy on his cheek.
Sa puntong yun, gusto kong burahin sa isipan ko yung image ni Keith na kabisadong-kabisado ko..

Baka sakaling ma-bago pa yung nakikita ko..


Baka sakaling hindi likod ni Keith ang makikita ko.

Suddenly, I felt a hand wiping my cheeks.

Baby, hindi masakit ‘di ba??” Sa sinabi niyang yun, napaiyak ako lalo.


Akala ko ba hindi ako masasaktan?

Posible bang lumalim ng ganun ang nararamdaman ko para sa kanya kahit hindi naman kami nagka-kausap? Kahit wala kaming kahit anong koneksyon?
Ssh.. Tama na...”
Angel.. Dapat nakinig ako sa’yo nung una pa lang. Ano nga bang mapapala ko sa kakatitig sa kanya? I even turned down all the guys who had courted me before para sa kanya. Ganun nap ala ako nagpaka-obssess sa kanya..”
Uyy.. Di mo naman kasalanan ano ka ba! Nagmahal ka lang. Yun lang. Tama na, marami pa dyan.”

Nanghihinayang ako.

I regret all those years I’ve spent on loving him, without even asking for return.
Akala ko okay na yun eh. Stupid lang talaga ako para hindi ko maisip na pwede palang mang-yari ’to.

I was broken. Nasaktan niya ako nang wala siyang kamalay-malay.


-o-o-o-o-o-o-

GOAL!!!” Sigaw nung coach.

Yeaaaaaah!! Galing mo talaga Keith!” Nag-body slam at nag-high five pa kami ng team mates ko.


Mga ‘tol, practice lang ‘to. Saka niyo ako purihin kapag nagawa ko ‘to sa laban. Haha!!”

Masaya kaming nagu-usap nang mapatingin ako sa bintana ng 3rd floor ng building sa tapat namin. Girl’s building yun. Magka-hiwalay kasi ang building ng lalaki at babae sa school namin. Kung bakit? Ewan. Tanong niyo kay Mr. Principal.

Doon, nakita ko siya. Hindi ko alam ang pangalan niya. Ni minsan hindi ko pa siya nakaka-usap.

Tiningnan ko lang siya at nakita kong naka-tingin din siya sa’kin. Gusto ko siyang ngitian, kaso baka isipin niya, feeling close ako.

Kausap niya yung bestfriend niya. Oo, alam ko. Palagi niya yung kasama eh.

Tinitingnan ko siya hanggang sa tinawag na kami ni coach. Tapos na ang practice, pumasok na kami sa building, may meeting pa kasi ang team.

Breaktime na nang natapos kami sa meeting, nakaka-gutom!

”’Tol, kain tayo.” Yaya ng team mate at class mate ko.


Oo ba, libre mo?”
Lul. Mas mayaman ka nga sa’kin ako pa mangli-libre? Magpaka-gentleman ka naman tsong. Haha!!”

Naglalakad kami s corridor, malapit sa girl’s building. Magkadikit lang naman ang building namin eh.

Nakita ko yung bestfriend ni.... Hindi ko alam yung pangalan, na paliko galing sa room nila, akala ko makikita ko rin si ano kaso parang may humila kay bestfriend ni ano.. Pero alam kong kamay ni ano yung humila eh, kilala ko yung bracelet na suot niya.

Hindi ako stalker, okay?

I just enjoy looking at her. Palihim ko siyang tinititigan tuwing makikita ko siya. Mabuti nga at hindi siya tumitingin sa akin kaya hindi niya ako nahuhuli.

Kaso hindi ko talaga siya magawang kausapin.. Hindi ko matanong ang pangalan niya. Umuurong dila ko eh.

Takte. Si Keith Luzano, team captain ng soccer team ng campus, torpe? Hindi ah. *whistles*

Pero minsan, hindi ko rin mapigilang mag-isip. Ano kayang tunog ng boses niya? Paano siya magsalita? Kilala ko lang siya physically eh.

Nung sumunod na araw, inagahan ko ang alis sa amin. May practice kami, pero kapag regular days, lagi akong 30 mins. late. Haha!

Pumara ako ng jeep at sumakay sa unahan. Mas gusto ko rito, wala masyadong tumitingin. Haha!! Naka-cap pa nga ako. Ayokong dumugin na naman nila ako.


Maya-maya, bumagal ang jeep. Putek. Wooooo. Traffic.


Di bale, maaga pa naman eh.


Napatingin ako sa jeep sa unahan namin, uniform kasi ng school namin ang suot nung naka-upo sa dulo..


Teka, parang kilala ko siya.. Nakatingin siya sa unahan kaya di ko sigurado kung sino siya.


Seconds later, BOOM!!!


Tumingin din siya sa’kin.

Nagulat siya, tapos parang tumago sa upuan ng jeep. Nangyari dun? Nakaka-takot ba ako tumingin?

Tsk. Chance na sana yun oh. +__+

Nakarating ako sa school 10 mins. Before time. Yes, ’di ako mabubulyawan ni coach.

Papasok na sana ako sa campus pero nakita ko na naman si Ano..


Aray!” Matutumba siya!


Tumakbo ako at inalalayan siya. Ngayon ko lang siya nalapitan ng ganito kalapit..

Miss, okay ka lang? Nasaktan ka ba?” Tumingala siya at nanlaki ang mata nung nakita niya ako. Ano?? Nakakatakot ba taaga ako??

A-ah? H-hindi ah!! Ang sarap nga eh—Eh Este!! Okay lang ako! Haha! Sige Thank you!!!” Tumakbo siya papasok sa campus.


Haha! Nakaka-tawa naman siya.

But the thing is, I already heard her voice. BDD

Morning dude! Wednesday ngayon ah, Pupunta ka ulit sa girl’s building? Sama ako. Haha!” Bati sakin ni Kyle. Tsk. Playboy kahit kelan.


Mambababae ka na naman? Sumbong kita kay Lindsay, gusto mo?”
Tol naman! Sinabi ko bang mambababae ako? Kaya nga ako pupunta dun kasi pupuntahan ko siya.” Sabi niyang naka-Mr. Pogi pose pa.
Yabang mo. Haha! Sige na.”

Tuwing Wednesday kasi, binibisita ko yung pinsan ko na si Nikki, maganda yun! Muse yun sa section nila eh. She is my one and only cousin. Walang kuya, kaya ako ang bantay niya.


Nung breaktime, binisita ko siya.. Hindi ko nga lang mapigilang mapalingon sa room na katapat ng room nila.. Dun kasi ang room ni Ano..
Tol, punta ako kina Len-Len ha.” Paalam ni Kyle. Aba! Pupunta nga kay Len-len! Improving ang loko.

Kuya Keeeeiiith!!!” Sinalubong ako ng yakap ni Nikki.


Nikki!! Musta na? Behave ka ba?”


”Of course kuya! Ako pa?
Malaki na ako no! Haha! Nga pala! Gift ko sa’yo!” She kissed my cheeks. Batang ‘to, kaya napapagkamalang kami eh. Haha!
Alam mo kung may Girlfriend ako, Ikaw yata ang magiging dahilan ng break up namin!”
Eh wala naman diba kuya? Hindi mo pa kasi ligawan yung----”
Hep hep! Haha! Sige na, alis na kami, binisita lang kita. Be good.” Pinat ko yung ulo siya at umalis na.

Napa-dungaw ako sa room ni Ano.

Teka.. umiiyak ba siya?

Sana pwede kitang lapitan, sana pwede kitang patahanin.

Kung lalaki man ang nag-paiyak sayo, sabihin mo! Bubugbugin ko..

Kahit gaano ko kagustong lapitan siya, hindi ko magawa.

Sino ba ako para gawin yun?
-o-o-o-o-o-o-

Pinilit kong baguhin ang sarili ko simula nung nasaktan ako. Pinilit kong huwag na siyang tingnan. Mahirap, yun na kasi ang naka-gawian ko araw-araw.


Baby, kumusta na?”


Doing good. Haha!!”
Wehh??”
Oo nga!”
Eh paano kung sabihin kong.. Nasa likod mo si Keith?” Bulong ni Angel.

Napalingon ako sa likod ko.

Asan??”

Then na-realize kong ginu-goodtime na naman ako ni Angel.

Haha! That was funny.” Sarcastic kong sagot kay Angel. Nakaka-inis lang kasi na palagi niya akong niloloko tungkol dun. At nakakainis din na lagi naman akong nagpapa-loko sa mga jokes niya.
Chiiiilll. Haha! Ay girl, may entry ka na sa photo essay contest?”
Nabura ko eh. Gagawa na lang ulit ako ng bago.”
Nabura mo? Oh binura mo? If I know, tungkol kay Keith yun.”
Oo na, ikaw na magaling mang-hula. Anong gusto mo? Ilantad ko sa public yun? Hah! Wag na.”
Oo na! Puso mo girl haha!”

Asar. Psh.

Yung photo essay contest kasi sa school namin, kukuha ka ng picture and then you’ll write a poem about it, kahit one stanza lang.
Eh yung ginawa ko para sa kanya, nobela ata. It was well-prepared. Pero dahil sa sobrang inis ko, binura ko siya. Laman nun lahat ng stolen pics niya tapos gumawa ako ng poem para sa kanya.

Ang baduy kaya! Grr.

Ngayon, 3 days na lang ang meron ako para gumawa pa ulit ng isa. That’s life =___=
[3 days after]

Oh ano, naka-gawa ka ulit?” Tanong ni Angel


Of course! Para saan pa at natulog ako ng 2 AM matapos lang ‘to.”
Kaya pala may eye bags ka baby.. Haha!!”

Isinubmit na naming sa Teacher-in-Charge ang entries namin. After an hour, ia-announce na ang winners.

Hindi na ko aasa na mananalo ako. Antok na ako nung ginagawa ko yun eh, malay ko ba kung nagka-mali na ako dun. Haha!!
-

Baby!! Ia-announce na ang winners! Haha! Ipa-paskil na rin yun sa website ng school!”


Oh? Tara tingnan natin!!”

Nag-punta kami sa computer shop sa tapat ng school para tingnan ang list ng mga nanalo.


3rd runner up- Len-Len Guillo

2nd runner up- Kyle de Mayo

Tingnan mo oh, magka-sunod si Kyle at Len-len!! Kinikilig na siguro yun, haha!! Scroll down mo pa dali!!”


Opo, makapag-utos naman ’to.” Maga-ganda ang entries nila, deserving talaga.

1st runner up- Angel Lal

Eeeeeeeeehhhhh!!!!!” Masayang masaya si Angel. Akalain mo yun?”

For real Angel? Haha!!!”


Oo! Ayaw pang maniwala! Haha!! Waaaaa!! Galing ko! Tingnan mo yung entry ko dali!!”

Kinlick ko yung link.

Lumabas ang edited pictures naming dalawa, at may poem tungkol sa friendship.

Uhhhh.. Thanks Baby!”


Sure, oy bayaran mo ‘ko, may exposure ka haha!!!”
Winner na yung titingnan namin.

Winner- Keith Luzano

Si Keith??

Nagtinginan kami ni Angel.


Bumilis bigla ang tibok ng puso ko nung naglo-loading ang page ng entry niya. Naman!!


Pero mas bumilis ang puso ko nung nakita ko ang laman ng entry niya.


P-pam?? Puro ikaw yan ah..??”

His entry contained my pictures. Hindi ko na nga matandaan kung kelan kinuha ang mga ‘to.. Puro stolen.. Some of it was taken years ago... Meron pa ngang painting at sketches ng mukha ko..

Hindi ako maka-galaw kaya si Angel na ang nag-scroll down para sa’kin.

Glimpses of you.


From the very start,

I never thought I’d do this kind of art

For the girl who did her part

Of stealing my lonely heart
I’ve been afraid of the distance

Blocking us every instance

So please this time, give me a chance

To see you and have a dance.

Meet me at the place where together, we shared a quick glance.”
Aaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhh!!! Babyyyyyyyyyyy!! Hindi ba ikaw ang tinutukoy niya sa poem niya?? Dali!! Go ka na!! Teka, saan bang place yun??”

Hindi ako maka-sagot. Nasa state of shock pa ako.


I mean, FOR REAL?? HINDI BA AKO ANG DAPAT MAG-ALAY NG POEM NA GANYAN SA KANYA?


Sino ba ang mahilig tumitig.. Ako di ba?

*Snap*


HOY!! Ano na??!!”

Meet me at the place where together, we shared a quick glance.”

Hindi kaya…

Sa classroom!!!!!” Tumakbo ako at ipintaong ang 20 pesos sa manager ng shop, hindi ko na kinuha ang sukli.


Sa classroom unang nagtama ang tingin namin, kung hindi ako nagka-kamali.

Shocks! Ang bilis-bilis-bilis-biliiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiis ng tibok ng puso ko!

Pero may doubt pa rin, kahit na ako ang nasa pictures ng entry niya, there’s a part of me na nagsasabing posibleng niloloko niya lang ako.


Hindi yata nakasunod si Angel sa akin. Nasa tapat na ako ng room.


Inhale..... Exhale.

Binuksan ko ang pinto, pumasok ako sa loob.

K-Keith??” Lakas-loob kong sinabi ang pangalan niya. Ambisyosa. +__+


*BLAG!*


Biglang sumara ang pinto.

Don’t tell me may multo dito?????

Ano!!” Anong Ano??
Sino yan??” Haharap n asana ako pero may humawak sa balikat ko.

You’re unfair.”


That…. That voice..


Bakit naman ako naging unfair?” I managed to say kahit sobrang napapangiti ako.

Bakit ikaw, alam mo pangalan ko, samantalang ako, ’Ano’ lang ang tawag sa’yo.”

H-ha?”

Ikaw si Ano. Yung palagi mong kasama, si bestfriend ni Ano. Can you imagine how hard it is na mag-salita kapag puro pronouns ang gamit ko?”

Hindi mo naman kailangang kabisaduhin ang pangalan namin. You don’t even know us! M-may Nikki ka, baka makita niya tayo. Magkatapat lang ang room namin.”

Nikki? Nikki L. Hernandez?” Oo na, siya na ang saulo mo ang pangalan. Tsk.

O-Oo..”


Ha.. Haha... Hahaha.. HAHAHHAHAH!!!” Tumawa siya at nabitawan niya ako.


Bakit ka tumatawa??!!!”


Haha!! She’s Nikki Luzano Hernandez, my one and.. haha!! Only cousin!! Don’t be jealous with her..”

J-Jealous? HOY!! Ngayon lang tayo nagka-kilala! Paano mo naconclude yan ha??”

Napa-tingin ako sa bintana kasi parang may kumakaway doon.

Si Angel??

Nag-thumbs up sa akin si Angel at sinabi niya ”GO Girl! Solo mo na siya!”

Teka.. Wag mong sabihing…

Kapartido ko bestfriend mo eh.” Mayabang niyang sabi.
Grrrr.. Nakakainis kayo! Pinagtu-tulungan niyo ako!” Aalis na ako. Nakakainis lang, parang, ano ako.. trial and error?

Pam..” I hate this feeling.. This floating feeling when I heard him say my name.. For the first time..


I’ve been afraid of the distance



Blocking us every instance

So please this time, give me a chance

To see you and have a dance.


Could you please, allow me to show my romance?” Inulit niya yung line ng poem niya. Romance-Romance na sinasabi nito??

Tsk. Korni mo.”


Edi, I love you na lang.”

O__O


Kinilabutan ako. JOKE. Kinilig pala ako.

Wag mo ngang sabihin yan with that tone! Kinikilabutan ako eh! Haha!”

Aylabyu Aylabyu Aylabyu Aylabyu Aylabyu Aylabyu”

Inulit ulit niya yun. Argh! Hindi pa nga ako nakaka-move on.. Nabawi na niya agad. Tsk.


-
It’s funny how I fell in love with someone whom I barely knew.

I just found myself falling for him deeper in every glimpse I threw.

Story No. 3

1…2…3!

Anak! Ingat ah! Wala ka nang nakalimutan?!”





”Opo!! Wala na! Bye Ma!!” Dali-dali akong tumakbo palabas ng bahay. Kyaaaah! Kailangang agahan ko, gagawa pa ako ng assignments sa room!

Syempre, yung iba hindi ko maintindihan. Mas mabuti na yung makakapag-tanong ako sa mga kaklase ko diba?

Naga-antay na ako ng jeep. Hay. Ito lang ang mahirap dito kapag napa-aga ka, mag-hihintay ka pa ng jeep. Okay lang, at least hindi traffic.
Minutes later, sa wakas! May dumaan din!!

Yes! Maluwag pa! Madalas kasi, yung mga driver, sikip na sikip na nga yung mga pasahero pasakay pa nang pasakay, sabay sigaw ng ”Oh, kasya pa, makiki-isod lang..”

I mean, huh? Makiki-isod? Eh hindi na nga maka-galaw ang pasahero no! Tapos kapag pumreno naman, WAGAS!!

Yun nga lang ang maganda, kapag pume-preno nang malakas, biglang lumuluwag. Haha!

Naiinis lang ako sa diskarte ng mga driver na ganun. Kaya ako, hangga’t hindi ako nakaka-upo ng maayos at kumportable, hindi ako nagba-bayad. Hassle kaya!

Sa likod ako ng driver naka-upo. Mas gusto ko sana sa dulo, dun sa may pinto kaso eto na yung pinaka-maayos na spot eh. Pag kasi nandito, ako lagi ang tiga-abot ng bayad. Eh madalas naman di ko napapansin. Tapos ako pa ang masasabihan ng isnabera. >___<

Maya-maya, tumigil yung jeep. Nung tiningnan ko kung sino yung sumakay..

Aba? Schoolmate ko? Same year.


Nung napa-tingin ako sa mukha niya..


Ay! Siya yung madalas kong nakaka-sabay! Hindi ko maiwasang mapa-tingin sa kanya.. Actually, lahat naman ng nakaka-sabay namin sa jeep eh napapa-tingin sa kanya.

Maputi siya, Chinito, Matangkad at ang cool ng tindig niya, pati paglalakad niya.. Pati yung way niya ng paghawak sa hawakan ng jeep.. He looks so cool. Kahit yung eyeglasses niya, ang cool din tingnan! Hindi siya mukhang nerd..

Teka, hindi pa pala ako nagba-bayad! Napa-titig yata ako masyado sa katapat ko. Hihi.

Kinapa ko yung bulsa ko. Nandun ang wallet ko eh.


*kapa-kapa.*


Teka? ASAN YUNG WALLET KO??


Hinanap ko sa bag ko, wala rin.

Saan ko nga ba nailagay yun? Sigurado naman akong dala ko-----
TAKTE!! NAI-PATONG KO SA KAMA!!

Bakit naman yun pa ang naka-limutan ko? AAAAAH!


Paano na ako ngayon? Well makaka-utang naman ako sa classmates ko para sa breaktime pero dito sa jeep? WALA AKONG KAKILALA!!

Isip Avi, Isip! Nakakahiya naman kapag nakita ni Mama yung wallet ko dun, sabi ko pa naman wala akong naka-limutan.

Choices:


A. Bumaba sa jeep at balikan ang wallet sa bahay.
Hindi pwede! Ang layo ko na! Male-late ako kapag ganun!
B. Kapalan ang mukha at umutang sa katabi.
Ano yun? Napaka-FC ko naman. Paano ko masasabi na babayaran ko siya eh ni hindi ko nga kilala? Hahanapin ko pa makapag-bayad lang sa kanya ng pitong piso?

C. Mas kapalan ang mukha at humingi ng syete sa katabi.
Mas lalo naman yun, baka masampal lang ako ng katabi kO! Mukha pa namang mataray T__T

D. Umutang sa katapat na gwapong schoolmate.
Pwede sana kaso.. Wag! Nakakahiya! >/////<

E. No choice, magpatay-malisya na lang at umakto ng normal.
For short, magwa-1-2-3 ako? Waaaaaaaaaa! Napaka-laking kasalanan naman non!!

Mawawalan ng Seven Pesos ang dapat na kita ni Manong driver ngayong araw, paano kung nagi-ipon pala siya para sa tuition fee ng anak niya? O kaya naman, may sakit yung asawa niya? O kaya agaw-buhay na yung bunso nila? Aaaaaaaaaaaah! Magkaka-sala ako nito!!


Pero sa sitwasyon ko ngayon, mukhang wala na talagang choice kundi........

Ate, makiki-abot po ng bayad.” Sabi ng katabi ko.
Ahehe.. Sige.” Pikit-mata kong tinanggap ang bayad niya at inabot kay Manong.

Ang plano ko? Kunwari na lang naka-bayad na ako, tutal ako naman ang naga-abot ng bayad nila. Kung titingnan, hindi na mahahalata na hindi ako nagbayad. Waaaaaaa.. I’m so bad.


Ilang bayad din ang nahawakan ko. Buti pa sila. Huhu.


Maya-maya, nagsibabaan na majority ng mga pasahero. Apat na lang kaming nasa loob.


Nakita kong may kinuha sa bulsa niya yung schoolmate ko. Hay, magbabayad na siya. (_”_)

Manong, bayad po.” He said with her manly voice.
Napakunot yung noo ni Manong.


”Ilan dito?” Tanong ni Manong. Ay?

”Dalawa po.” Dalawa? E dib a isa lang siya? Hala!! Creepy!


“Sigurado ka?” Uyy, natatakot na rin si Manong. Haha! Baka nasa isang TV Show kami? WOW Mali? XD
Opo, sa amin pong dalawa.” Tapos tinuro AKO????!

Na-laglag na lang yung panga ko sa sinabi niya. I mean, kilala ba niya ako? Yes, I should be thankful pero bakit?


At paano niyang nalaman na wala akong pera?? Psychic? O__O

Nginitian niya lang ako. O___O

So ayun, buong byahe, bothered ako sa nang-yari. Bakit alam niya, waaaaaa. Wala pa akong pambayad sa kanya!


Hindi ko napansin na nasa babaan na pala kami. Hinabol ko siya.

Hey!”

Lumingon siya.


”T-thanks! Promise bukas, babayaran kita! Anong room number mo?”


“Nah, just tell me your name.”
Sabi niya at inayos yung salamin niya. Waaah! Kuminang ang paligid!
H-ha? Bakit?”


“Gusto mong maka-bayad diba? Yun na lang ang bayad mo.”

”A-Avi.”

”Okay. Bayad na ang kalahati ng utang mo. See yah.” Tapos umalis na siya.

Kalahati? Waaa. ’Di ko magets. Basta! Sabi niya kalahati, edi 3.50 ang babayaran ko sa kanya. Muhaha.

Dire-diretso ako ng classroom. Hay, kailangan konti lang ang gastusin ko ngayong araw, nakakahiyang umutang ng madami!


”Bespren!” Tawag ni Cait. Bespren ko ^__^
Bespreeeeeeen! Huhu.”

”O bakit?”


”Pautang >3<”

”’Kano?” Ayos. ^O^
Mamaya nang break. Pangkain lang tsaka pamasahe, bayaran kita bukas! Naiwan ko kasi wallet ko..”

”Okay, pero teka! Paano ka naka-punta dito? Don’t tel me......”


”Hindi ah! Nag-bayad ako!”

”Sabi mo naiwan mo wallet mo?”

”Eh, may nagpa-utang sa’kin sa jeep.”

”Wow, swerte! Haha!” Swerte talaga, ang cool niya eh.

Nung breaktime, pina-utang nga ako ni Cait. Hindi na ako nag-lunch, nakaka-hiya na eh.

Kinabukasan, sinigurado ko nang dala ko yung wallet ko. Ginawan ko na nga siya ng chain para lagi lang siyang naka-kabit sa backpack ko.

Nandito ako sa canteen. Ano kayang kakainin ko?

AVI!!” May tumawag sa’kin.


Lumingon ako, pero wala akong mahanap na kakilala ko. Weird. Baka may kapangalan ako?

Tinuloy ko lang ang pagtitig sa mga pag-kain. Doughnut. *Q*

AVI, TAWAH KA NI---- ASDFGHJKL” Ayun na naman, tapos nakarinig ako ng tawanan at sigawan. Napalingon ako, three tables away.


Nandun siya, yung nang-libre---- ay, yung nagpa-utang sa’kin ng pamasahe.


AY!! BABAYARAN KO NA SIYA!

Kinawayan ko siya.

WOOOOOOOOOOOOHH!!” Nag-sigawan yung mga kaibigan niya.


Lalapit pa sana ako sa kanya pero bigla siyang tumakbo palabas.


Ay?



”Miss, pasensya na, mahiyain yung Si Renz. Haha!” Sabi ng isang kasama niya kanina.

Araw-araw, ganun ang nangya-yari. Kapag nginingitian ko siya, bigla niyang ii-iwas yung tingin niya tapos mawawala na lang siya sa paningin ko.


Kailan ko siya mababayaran neto?

Uwian na. Maglalakad na ulit ako sa sakayan ng jeep. Wala akong kasabay!

Nung patawid ako, nakita ko siya. Napa-ngiti ako. Ililibre ko na lang siya ng pamasahe ngayon!

Palapit na ako, kaso, nakita kong may kasama siya. Naka-ngiti sila pareho at nagtatawanan pa, papunta rin sila sa sakayan ng jeep.

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng inis. Napatakbo ako sa pinaka-malapit na jeep.

Bakit ganun? Na-badtrip ako bigla? UGH.

Hanggang pag-uwi ko, badtrip ako.

Tuwing makikita ko siya, naba-badtrip din ako. Ngayon, siya naman ang ngumingiti sa’kin at ako naman ang nangi-isnab.

Ayoko na nang may utang na loob ako sa kanya. Kahit syete lang yun, utang pa rin. Babayaran ko pa rin.


Nung uwian,pumunta ako sa room nila. Nagulat siyang makita ako.




”Whoa” Bulong ng mga kasama niya.

Lumapit ako sa kanya at pinatong sa desk niya ang 20 pesos.




”O, bayad ko.” Tapos dali-dali akong umalis. Naiinis talaga ako! Bakit ba ganito!

Nung makarating ako sa sakayan, sumakay kaagad ako ng jeep. Grabe. Nakakahiya yata yung ginawa ko.




”Bayad po.” May nag-abot sa’kin ng 20.

Napa-tingin ako sa nag-abot ng bayad. O_O


HOY! BAT KA NANDITO?”


Malamang, pareho tayo ng biyahe.”

Sabi ko nga.




“Tss. Sa dinami-dami ng jeep, dito pa sumakay.” Bulong ko at inabot kay Manong yung bayad. Tumawa siya ng mahina. Argh. May sayad!

Di bale, una naman siyang bababa, mamaya makakapag-solo na ulit ako.

Galit ka?”
Bakit naman ako magagalit?!”

”Tingnan mo, pasigaw ka palagi. Tsaka, nakakatakot ka kanina.” Inayos niya ulit yung salamin niya. Ugh. Cool.


Matagal bago ako sumagot. Hah! Mag-antay siya.

HindiAkoGalit”


....”

Okay, hindi na siya sumagot. So what?

Maya-maya, naramdaman kong may sumandal sa balikat ko.

Sumulyap ako sa kanya. Uh-Oh...

(==.ZZZzzz)

Tulog +__+ Bahala siya kapag lumampas siya sa bahay nila. Amp.


Maya-maya pa, ka-boooooooooom!


Lumampas na nga kami sa bahay nila. Haha!

Talagang hindi natitinag. Bahala ka talaga. Ahit gaano ka pa ka-charming kapag tulog, hindi kita gigisingin. Hmpf.

Oh, nandito na pala ako sa’min.


Para po.” Pagka-para ko, nagulat ako kasi automatic na nagising yung katabi ko. Haha! Lampas ka no?


Nauna siya bumaba sa’kin.

Teka, papunta siya sa daan papunta samin!!! May gubat pa kasi na dadaanan papunta sa’min, kaya bawal akong gabihin.


Hoy! Saan ka pupunta diyan!!??”


Sa inyo.”

”B-bakit alam mo ba? Atsaka, ano ako? Baby? Ilang taon na akong umuuwi mag-isa! Tsupi!”
Hahatid kita.” Natigilan ako sa sinabi niya. Eh?


”Bakit? Kaya ko na! Ang liwa-liwanag pa oh!”

Hindi siya sumagot at nauna na sa’kin. Aba, alam nga niya ang daan. Waaaaah, stalker! Tsaka, waaaaah! Pag nakita siya ng mga kapit-bahay nako! Skandalo yun!

Uy! Umuwi ka na! Kaya ko na!”

”Ayaw.” Dire-diretso siya.

Huuuuuuy. T__T”



Tumigil siya at humarap sa’kin. Yan!! Gumagana na!!

”A-yaw.” Ngumisi siya at tumakbo. O__O


“HOOOOOOOOOOOY! BUMALIK KA!”

Tapos tumigil ulit siya. Takte! Hinihingal ako!




”Bakit mo ba ’ko kailangang ihatid? Ang layo-layo na ng bahay niyo oh! Umuwi ka na!” Nangangalahati na kami papunta sa’min.

“Ligaw.” Sabi niya. Ano raw? Ligaw?


“HAHAHA!! ANONG LIGAW? Sa tinagal-tagal ko nang nag-lalakad dito, maliligaw pa ako? Baka ikaw! Sige na!”

Hinampas niya noo niya. Oh, ano? May nasabi ako?




“Slow mo.” Sabi niya. Abat???
Anong slow? Lumayas ka na nga!”





“Ang ibig kong sabihin, manliLIGAW AKO SAYO!!!”

.......

A-ANO??!!!”
KAILANGAN KO BA TALAGANG ULITIN?”
EH A-NO!! Bakit??”
Anong bakit? Eh sa liligawan kita eh, masama ba? Ang sungit-sungit mo kasi, hindi ka namamansin! Hindi ko tuloy masabi sayo!”

”Anong hindi, eh ikaw kaya ang nangi-isnab noon! Gumaganti lang ako!”


”Eh syempre, na-torpe ako noon! Nahihiya ako! Takte! Mahal kita!”

Natahimik ang tahimik na gubat.




”Sige, uwi na lang ako.”
Malungkot niyang sabi at humakban na pabalik.

OmO. What to do, what to do!!


A-ah.. Teka!!!” Tumigil siya.




“A-ano.. Kasi Uhm.. Argh!” Bakit pakiramdam ko tinatawanan niya ako kasi naka-talikod siya. T_T

HUMARAP KA KASI!!” Sigaw ko. Nung humarap naman siya ako yung napa-pikit. Ay! Abnormal!




”I’ll take that as a Yes.” Tapos hinila niya ako papunta sa’min.

OOOPS! Hindi pa kami ah! ‘Yes’ lang na pinayagan ko siyang manligaw, since sincere naman siya. Swerteng bata nito, unang araw pa lang ng panliligaw, nakilala kaagad sina Papa at ka-vibes na kaagad niya.

Promise, balang araw, hindi na tayo sa jeep sasakay.” Sabi niya habang nasa byahe kami pauwi.
Saan? Sa Airplane?” WOW. XD

Hindi.”



Sa cruise ship?”

”Hindi rin.”

”Eh saan?”

”Sa puting kotse.”

”Ha?”



”Yung puting kotse na may bulaklak sa unahan. Tapos tayo lang dalawa ang sakay. Ang destination natin?


Sa SIMBAHAN.” Naka-ngisi niyang sabi. >////////<

Stop it!”

”Kilig ka naman eh.”
---

Tuloy lang ang byahe ng buhay naming dalawa, pero hinding-hindi ko pagsisisihan na minsan, dumaan ako sa intersection at nagka-salubong ang mga byahe namin.


Saan kami nag-park?

Sa puso namin, kung saan walang ”NO PARKING” ^_________^

Story No. 4

Sa’yo


Napaka-daya nga naman talaga ng buhay.

Nandyan na, hindi mo pa nakita. Muntik na, naudlot pa. Hawak mo na, naka-wala pa.

Sa kaso ko,

Mahal ko na, taken na pala.


Yung kaisa-isang lalaking laman ng panaginip at pantasya ko, nakuha na pala. Hindi pa ako gumagawa ng move, nasulot na!! Susme, Obssess na nga raw ako sabi nila.


Eh anong magagawa ko? Ngayon lang ako tinamaan nang ganito. Hindi naman ako maka-bitaw, kahit na wala namang humahawak sa’kin, kasi kapag iniisip kong magmo-move on na ako, baka ma-realize iya bigla na mahal niya pala ako.

HAHA. Maka-expect, wagas.

’Yan ako. ’Yan si Michelle.

Ganito na lang ba talaga tayo?

Hindi ba pwedeng ma-inlove ka rin sa’kin?

Nung malaman kong may nililigawan na siya, feeling ko gumuho na ang mundo ko.


Kelan mo lang ba nakilala ’yan? Eh tayo mag-kaibigan na since first year pa!! Hello, third year na tayo at loyal pa rin ako sa’yo!! Ang sakit kaya, ang manhid mo!!


Eh kung sabihin ko kaya? Hala. Edi baka sabihin naman ng iba, malandi ako? Taken na pinipilit ko pa?


Eh paki nila? Nililigawan pa lang naman!

Err. Bad Mich. Bad.

Itatago ko na lang. Haaaay.

Eh paano kapag tinatago lang din niya pala yung feelings niya para sa;kin, na sa sobrang inip niya eh nanligaw na lang siya ng iba? Hintayan kami forever, GANOOOOON?

AAAAAAAGH. Ang Daydreamer ko talaga.

Sana ako na lang, Xander.

Napaka-desperada ko tuloy pakinggan. Eeww.

Hindi niyo naman ako masisisi eh.

Kahit gaano ko piliting kalimutan siya, sa kanya lang ako sumasaya. Kahit simpleng mapadaan lang siya sa harap ko, buo na ang araw ko.

Siguro makaka-move on din ako. Sana...



”Hi, Mich!” Sabi niya pagka-upo ko.

Isa pa ’yan. Try mo ngang kalimutan yung seatmate mo?



”Uy, Xander.” Huhu.
”Ay, Bad mood ka?”
”Whatever.” Kunwari ansungit. Labas naman sa ilong. Pweehhh.
”Sungit namaaaaaaaan!”
”May nililigawan ka na ’di ba?” Err, tama ba yung tanong ko? Mukha siyang nagulat.

”Psychic ka ba?” OMG. BABANAT SIYA? CHEESY PICK-UP LINE??
”B-bakit.” Eeeeeeeh!

“Ba’t alam mo yun? Balak ko pa lang manligaw eh!!” Ay oo nga. Binanatan ako. Tagos.
”Kalat na kaya sa school.” Sabi ko.

Ganun? Astig. ’Di pa ’ko nag-sisimula kumalat na.”


”Ako nga rin. ’Di pa gumagalaw, nasulot ka na.” Bulong ko.
”Anong sabi mo?”
”Wala! Sabi ko si Sir andyan na!”

Kainis!

At nung uwian, mas lalong nakakainis!!




”Mich!” Tinawag niya ako. ”Pwede mo ’kong samahan?”
”Saan naman?”
Eeeeeeh!! Anubeeeyy.
”Maghahanda lang ako para sa panliligaw ko bukas.”


Ang sakit ha.

Syempre ako, dakilang martir, pumayag. At least makakasama ko siya.


Kahit ’di kaming dalawa.

Grabe, ang generous niya! Bili nto, bili noon. Order nito, order noon. Nagpa-arrange pa siya ng private place para sa CONFESSION niya.

Ang swerte naman ng bwisit na babaeng yun.

Galante mo ah.”

“Syempre, special kasi yung babae sa’kin.” Sige, ipa-mukha mo pa sa’kin. ’Di naman siya masyadong masakit eh. Slight lang.


”Ah.” Grabe. Nakaka-bitter dito!!

Sa lahat naman kasi ng isasama, ako pa!




”Nakaka-adik pala ’no? ’Pag kasama ko siya, parang ayaw ko nang lumipas ang oras..”

”Unfortunately, hindi yun pwede.” Nasa sakayan na kami ng jeep. Magkaka-hiwalay na kami...

Sige, ingat ka.”

”Ganun? Ayoko pa sana pero sige, ingat!!” Kumaway siya at umandar na yung sinasakyan ko. ”Friends tayo ngayon ah??!” Sigaw niya.

Ano raw yun? Hay. Parang sinabi niyang ayaw niya pa akong umalis. Haaaaay. Pa-fall din ’tong lalaking ’to eh.

***
Nakaka-buwisit na umaga. Nag-text siya sa’kin, edi ako tuwang-tuwa!! Tapos, ang sabi pala, samahan ko raw siya sa resto. Gusto niya raw ma-witness ko lahat. HUWAW. Chaperone lang??

Tapos ano? Bakit kasi hindi ako maka-tanggi sa kanya!?

Nag-bihis ako at pumunta na. Nadatnan ko siyang mag-isang naka-upo sa table. Ni-reserve niya yung buong lugar eh. Buti wala pa yung kontrabida, este yung bidang babae. Kundi, hindi ko alam kung saan ako lulugar.

Pangarap ko ’to. Yung ginawa niya. :’(


”Pormang-porma ah?” Act normal.

”Ikaw din. Upo ka..” Inayos niya yung upuan ko.

Kung hindi niya ako kasama kahapon, malamang feel na feel ko na kami ang magka-date ngayon.



”Gutom ka na?” Sabi niya pagka-upo namin/
”Ha? Paano yung kasama mo?”
”Rehearsal ’to.”
Sabi ko nga, pang-practice lang ako..

A-ah. Sige.”


Kumain kami, nag-kwentuhan, nag-tawanan. Ang saya na sana.

Ilang oras na kami naghi-hintay. Bakit ganun?



”Uy, Xander, ba’t wala pa yung ina-antay mo? Anong oras na ba?”
”’Di ko alam.”
”May relo ka oh?!”
”Hindi gumagana ’yan.”
”Nyek, nag-relo ka pa??!”

Edi ba, sabi ko ayokong lumipas ang oras? Ayan!”



Ang lakas nung impact nung sinabi niya, idagdag pa yung nakakatunaw na pagtitig niya.

”Adik lang. Ang tagal naman ng hinihintay mo!”
”Oo nga eh. Mga ilang taon pa siguro ’yun.”
”HA? Sira ka ba?”
Sinasabi nito?


”Hindi mo talaga gets no?”

”HAAAAAAAAA?” Tumawa siya tapos tumayo. Ano bang sistema ito? Suskopo.




”Ayokong lumipas ang oras. Ilang taon pa ang hihintayin ko. Practice lang ’to. Friends tayo ngayon.” Sunod-sunod niyang sabi. May sense ba ’yun?

“Ano bang sinasabi mo?”

“Mich, pwede bang manligaw?”



LOADING……. LOADING FAILED.

“Teka, lokohan ba ‘to? Baka isang gag show ‘to, asan yung camera?”
“Naman eh!! Haha!! Liligawan nga kita, kaya kita niyaya rito!”
“A-Akala ko ba practice lang ‘to?”
“Oo nga.”
He grinned. =__=
Eh sasampalin na kita eh!! Ako ba ni-loloko mo??!” Akala niya masaya ha???

”Sige, uulitin ko. This time, mas malinaw.” Lumuhod siya at hinawakan ang kamay ko. Eeeeh. ‘Wag ganyan!

Mich, ayoko’ng lumipas ang oras ‘pag kasama kita. Ilan taon pa ang hihintayin ko bago ko mapatunayan ang sarili ko sa’yo. Practice lang ’to para sa kinabukasan nating dalawa. Friends tayo ngayon, bukas, more than friends na..” Napa-takip ako ng bibig. Paki-tadyakan ako, baka sakaling panaginip ‘to!!




“For short, Mahal kita.”

At that was the start of my own fairytale. Bahala na kayo sa pagtu-tuloy nito sa imagination niyo, basta happy ending din ’yan ha. Kundiii. HAHAHA.

Sa’yo lang ako sasaya, Xander. Sa’yo lang. :”>

Story No. 5

Stucked.
Grabe ka Ryuu! Biruin mo pati yung nanalo sa pageant patay na patay sa’yo?”

“At hindi lang yun! Pati yung SC President ng All-Girl School sa kabilang village nabingwit mo! Mamigay ka nga!!”

Kinutusan ako ng barkada ko. Mga bangag. Kasalanan ko bang habulin ako?


Para namang ginusto ko talaga ’to.

Oo nga’t gwapo ako, sikat, mayaman at kahit papano top 38 naman ako sa campus.

Kala mo perpekto ‘no? pero NICE.

Isa akong malaking TORPE.

Kung sana yung babaeng mahal ko, isa sa mga humahabol sa’kin, edi masaya na!

Kaso, hanep! Siguro nga parang hindi ako nage-exist sa mundo niya!


Sino ba ako para mapansin niya? Putik. Ambaduy, dude.


Matalino siya, malinis sa katawan, tahimik.. Ang layo niya sa’kin, bulakbol, basagulero, magulo... Pwede ring g*go.

Ilang beses na ’kong sumubok na kausapin siya. Gustong-gusto kong lumapit pero tinatamaan talaga ako ng hiya. Napapa-tigil ak, tapos tititigan ko na lang siya hanggang matapos ang isang araw na hindi ko siya naka-usap. Langya. Nadidikit yung paa ko sa lupa.

’Di ko rin alam kung bakit ang lakas ng tama ko sa kanya. Basta nung nakita ko siya nung second year, hindi ko na siya naka-limutan. Isang beses pa lang kaming nakapag-usap. Nung minsang natawag ako sa graded recitation, hindi ako maka-sagot. Katabi ng pintuan yung upuan ko. Napadaan siya, saktong inulit ni Ma’am yung tanong. Nagka-titigan kami. Tinuro niya yung sagot at TAMA yung sinabi niya. Ang galing pero TAKTE, napa-hiya ako dun.


Bakit kasi ang torpe ko. Gross.

Sabi ng iba, cold siya. Pero para sa’kin, mas bagay yung term na COOL.

Niyaya ako mag-DOTA ng barkada ko, tumanggi ako. Basta wala ako sa mood. Mas gusto ko magpa-hangin.


Habang umaakyat ako sa rooftop, ini-isip ko kung masasabi ko pa ba sa kanya bago kami mag-graduation. Takteng ka-torpehan naman ’yan, na-imbento pa!!

Masarap yung hangin sa rooftop. Nakaka-antok. Dito ako dumi-diretso kapag trip ko mag-cutting.

Lumingon ako sa paligid. Ayos. Walang tao. Dito ko lang naman nasasabi yung mga gusto kong sabihin eh. Palibhasa walang makaka-rinig sa’kin.


Umupo ako sa railings. 1....2....3....


MAHAL NA TALAGA KITA ZHAIRA/RYUUJI!!!” Huwatda? Bakit may kasabay ako? At bakit narinig ko yung pangalan ko?


Nanggaling sa storage room yung boses.


At hindi lang basta boses. Parang..... AAAAAAAAH!


”S-S-S-S-S-S-Sinong N-N-Nandyan??!” Syeeeeeeeeeeeet.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto.

May isang babae na naka-upo sa sulok. Naka-ubob siya sa tuhod niya.

Pero kahit gawin niya ’yun, alam ko kung sino siya.




”B-B-Bakit ka nandito???” Anak ng pating naman! Ang sama ng pakiramdam! Mata-tae yata ako dito.

”M-May narinig ka ba?” Sabi niya. HUWAW. Narinig ko ulit ang boses niya...


”H-Ha?? Ah O-Oo.. M-meron.” E siya kaya, may narinig siya? Linteeeeeeeeeeek.

Yumuko siya lalo.

Maya-maya, humihikbi na siya. Oh men!! What did I do????

“H-HOY!! B-Bakit ka umiiyak??” Nagb-backle akooooo!! Uwi na!!

L-lalayuan mo na ba ako lalo? Iiwasan? N-narinig mo yung.. confession ko eh..”

CONFESSION?? You’ve gotta be kidding me, man!!



“L-lalayuan? Ano ako? G*go? HINDI AH!!!” Natawa siya sa sinabi ko.

HUWAAAAW. Tumawa siya!

May inabot siyang stationary paper. May naka-sulat na pangalan ko. Binasa ko. Ang tagal na nung sulat. May isang taon na kasi may naka-lagay na date. Bakit ngayon niya lang binigay? Pina-pasma ako dito!!

“Dear Ryuji,
Pasensya na, tinawag kita sa pangalan na ’yan kahit hindi naman tayo close. Alam mo kasi, matagal na kitang gusto. Natuwa nga ako nung wala kang mai-sagot sa teacher mo, tapos nagka-titigan tayo. Halos hindi ako maka-galaw nun. Gusto kong matunaw.. Kaso tinawag ka nung teacher mo, tinuro ko na lang yung sagot sa’yo. Pagka-tapos kong sabihin yung sagot, tumakbo ako papunta sa CR.. Doon ako nag0labas ng kilig.. Uhhh. Hindi ko kasi alam kung paano yun ilalabas. Ano ba ’yan. Ang pangit ng laman ng letter na ’to. Mukha bang love letter? Pasensya na, wala akong alam dito. ’Pag nakikita kita, hindi ako maka-tingin sa’yo.. Hindi rin kita malapitan at maka-usap. Sino ba naman ako? Tahimik at simple kumpara sa’yo na sikat at gusto ng lahat. Ang hirap mong abutin. Basta.
P.S. Nakakahiya. Siguro hindi ko na ’to mabi-bigay sa’yo.
--- Zhaira”

Kung wala lang siya sa tabi ko, malamng nagpa-gulong gulong na ako dito.


HINDI NGA, MGA TSONG? TOTOO BA ’TO??!!



”I-itapon mo na lang k-kung naba-baduyan ka.. S-Sorry..” Umiyak na naman siya.

Hala? Paano ba ‘to? Naman!! Bakit ba hindi ko pa rin masabi ng diretso? Paano ko siya patatahanin? Lintek naman!




“H-Hoy! Tama na, ‘wag ka na umiyak utang na loob! Tatalon ako sa rooftop sige k-ka!!” Ang galing ko talagang magpa-tahan. =___=

”E-eh kasi naman.. Na-nakakahiya..” Sabi niya. Ang...... ganda.

Bakit ka naman mahihiya? Ang cool nga eh. Naka-gawa ka ng ganito. Eh ako, kung hindi pa siguro tayo nagka-usap dito, hindi ko na masasabi. Mas nakaka-hiya ako. Ang angas tapos torpe.”


Ngumiti siya. Dapat pala noon ko pa ginawa ’to. =________=



”P-pero hindi nga, m-mahal mo rin talaga ako??” Ang desperado yata pakinggan nun?

Kagaya ng dati, nagka-titigan kami.


Sinuntok niya ako ng mahina.

Takte. Ang ganda niya.


”Tange. Matagal na.”


Story No. 6

Hide and Seek


(Part I of the story are mostly based on true events.

Part II on the other hand, are all fictitious.

Names are changed for the privacy of the protagonist.)
***

  1   2   3   4


The database is protected by copyright ©sckool.org 2016
send message

    Main page